Blog Ong, Blog Ong, Ba't ka pa Ginawa?

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Monday, August 10, 2009

Isinilang si "Blog Ong" ng kanyang ama kanina lamang.

Siya ay isinilang kanina sapagkat muling pumintig ang ugat ng kanyang ama. Muling nangati ang mga kamay at kinalikot ang maseselang bahagi ng kanyang malikot na pag-iisip.

Hinimas nya pansamantala ang ugat sa kanyang...sintido.!

Napuno ng kasabikan ang kanyang mga malulusog na ugat at pumilantik ang isang milyong salita na naguunahan para mauna sa finish line.

Gigil na gigil ang kanyang ama. Naguunahan ang bawat dugong dumadaloy sa kanyang ugat.

Malapit ng pumutok.

Tik...tak...tik..tak...tahimik. Walang maririnig.

Ng biglang.....pooooooot! Umutot ang kanyang ama.

Umayos sa kanyang pagkakaupo at hinimas-himas muli ang ugat...(sa kanyang sintido!)

Ayan na...lalabas na. Isisilang na...isa, dalawa, tatlo...isa pa.

Tuwang-tuwa at muling napautot ang kanyang ama...(at sinabi sa sarili "ang talino ko talaga").

Ngayon kikilalanin ka...
Ngayon makikilala ka...
Ngayon malalaman nila kung sino ka...

(Teka, diba pare-pareho lang yun?)

Hinga...hinga...hinga...hingal, malapit na.

Pawisan...si Blog Ong ang nauna.

0 comments

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit