Bata, Bata ba't ka iniwan ng iyong Ina?
"Nag-aalaga ako ng batang hindi lumabas sa aking matres. Nag-aasikaso ako ng anak ng ibang tao, samantalang ang anak ko sa Pinas hindi ko alam kung kumakain sa tamang oras!"
"Nagpapaligo ako ng batang hindi akin, samantalang hindi ko alam kung nanlilimahid na sa dumi ang aking bunsong anak sa pinas!"
"Kumakain ako ng saganang pagkain dito, samantalang ang pamilya ko sa pinas hindi ko alam kung may nakakain pa. Natutulog ako sa maayos na kama samantalang ang mga anak ko nagsisiksikan sa isang masikip na higaan."
"Nagpapakapagod ako dito umaga hanggang gabi upang matustusan ko ang pangangailangan ng aking pamilya, sa kalaunan mababalitaan ko na nambababae ang walang-hiya kong asawa. Nilulustay sa sugal, alak, bisyo at kalayawan ang perang dugo't pawis ko ang puhunan!"
"Lintik na buhay to! Delayed na naman ang sahod! Mga anak ko sa Pinas hindi pa nakakabayad ng matrikula! Kung minamalas ka nga naman oo! Mare, lalabas ako maghahanap ng extra kung kinakailangan ibebenta ko ang aking sarili!"
"Kabayan, meron ka bang extra dyan? Pwedeng pahiram naman muna bayaran ko sa sahod. Kailangan ko lang magpadala ng pera sa pamilya ko sa Pinas, mapuputulan na daw sila ng kuryente at tubig, palalayasin na daw sila ng may-ari ng bahay na inuupahan ng pamilya ko, wala na daw sila makain."
Ito ang madalas na saloobin at kalungkutan ng bawat isang ina, ama, ate, kuya at mga kababayan nating manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa upang maghanapbuhay. Iniwan ang kanilang mga anak, pamilya, at kamag-anak upang makipagsapalaran sa ibayong-dagat. Marami ang dahilan kung bakit napipilitan ang maramin nating kababayan na mangibang-bansa. Ito ay ilan lamang sa napakaraming dahilan kung bakit iniiwan ng ating mga kababayan ang Pilipinas upang habulin ang kapalaran sa ibang bansa. Ang iba naman ay sadyang biktima lamang ng isang masaklap na katotohanan.
1. PAGTAKAS. Ito ang salitang aking naisip na angkop upang ilarawan ang dahilan kung bakit marami ang lumalabas sa ating bansa. Ang kahirapan, kaguluhan, at kurapsyon sa ating bansa ang ilan sa mga dahilan kung bakit tumatakas ang ating mga kababayan sa ating teritoryo. Sino ba ang gustong manirahan sa isang bansang sagana sa kahirapan?
Marami sa ating mga kababayan (karamihan ay mga nakapagtapos ng kolehiyo) ang napipilitang tumanggap ng trabaho na hindi angkop sa kanilang edukasyon. Marami sa kanila ang napipilitang maging DH (Domestic Helper) para lamang magkaroon ng trabaho. Tama nga naman, mas nanaisin mo pang maging DH kaysa naman tumambay sa Pinas at maging palamunin ng mga magulang. Kung hindi naman, mas gugustuhin mo pang tumakas sa Pilipinas at maging TNT (Tago-ng-Tago) sa ibang bansa para lamang mabuhay ang iyong pamilya at mga anak.
2. WALANG SAPAT NA TRABAHO AT SAHOD SA PINAS. Ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay sa ating bansa ay isa rin sa mga nakahanay na dahilan kung bakit marami sa ating manggagawang Pilipino ang nagnanais na maghanapbuhay sa ibang bansa. Kung meron mang trabaho dito sa Pinas, sa malimit na pagkakataon hindi sapat ang suweldo upang tustusan ang malaking gastusin ng pamilya. Kaya, kapag may pagkakataon na maghanapbuhay (sa ibang bansa) sa mas malaking sahod, sinusunggaban ito ng bawat manggagawang Pilipino.
Ngunit kasabay ng pagtakas na ito ay ang pag-iwan sa mga anak (ang iba ay musmos pa) dito sa Pilipinas. Marami sa mga batang Pilipino ang naiiwan sa kanilang mga kamag-anak sapagkat nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang upang maghanapbuhay. Ang katumbas ng pagtakas na ito ay maaaring magandang kapalaran ng magulang na nasa ibang bansa at kaginhawaan o kahirapan naman sa mga anak na iniwan dito sa Pilipinas sa kamay ng mga kamag-anak.
Marami na tayong mga nabalitaan sa radyo, telebisyon at mga pahayagan ng kaso ng Domestic Violence, Child Abuse, at Juvenile Delinquency at malimit na mga biktima ay mga iniwang anak ng mga OFW o kung hindi naman ay nasa ibang bansa ang isang magulang (ina o ama). Sa halip na maging magaan sana ang buhay ng isang OFW, sa malimit na pagkakataon mas nagiging mabigat ito dahil sa ganitong mga pangyayari.
3. INUTIL NA ASAWA. Maraming babaeng manggagawang pinoy ang napipilitang mangibang bansa upang matustusan ang kakulangan ng kanilang pamilya lalo na ng kanilang mga tamad at inutil na asawa. Mas gugustuhin pa ng mga babaeng Pilipino na mahiwalay sa kanilang mga anak upang lumayo lamang sa buhay na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga asawang wala din hanapbuhay.
Sila yung mga babaeng nakapag-asawa ng mga iresponsableng lalaki na walang ibang ginawa kundi tumambay sa kanilang bahay at maghintay ng maihahain na pagkain sa lamesa. Sila yung mga asawang wala na ngang makain, nagdadala pa ng mga barkadang lasenggo at sugarol sa kanilang bahay upang lumaklak ng alak. Mas gugustuhin pa ng isang babaeng Pilipino na maging DH (Domestic Helper) sa ibang bansa, sapilitang iwan ang kaniyang mga anak, upang maghanapbuhay sa ibang bansa para lamang matustusan ang kakulangan ng kanilang mga batugang asawa.
Tinitiis ng mga manggagawang Pinay ang mag-alaga ng mga anak na hindi sa kanila upang matustusan lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ginagawa rin nila ito upang makatakas sa hirap ng buhay dala ng kanilang tamad at inutil na asawa.
4. PAG-ABOT AT PAGTUPAD SA MGA PANGARAP. "Walang asenso dito sa Pinas." Ito ang madalas na dahilan ng mga kababayan nating matayog ang pangarap sa buhay. Ika nga, nauubusan na ang Pilipinas ng mga matatalino at respetadong mga manggagawa sapagkat lumalabas sila ng bansa upang ibenta ang kanilang mga serbisyo at kakayahan sa ibang bansa sa mas mataas na sahod.
Hindi lingid sa atin na marami tayong mga kababayang propesyunal na naghahanapbuhay sa ibang bansa. Halimbawa na lamang dito ang executive chef ng White House na isang Pilipina na sana nagbibigay ng sariling serbisyo sa ating sariling Pangulo. Ngunit ang pangulo ng Estados Unidos ang nakakatikim ng kanyang masarap na hain ng pagkain.
Marami din tayong mga kababayan sa ibang bansa na humahawak ng matataas na posisyon tulad ng superbisor, manager, top executives, at stakeholders sa kani-kanilang mga kumpanya. Kabilang dito ang mga propesyong tulad ng doctor, lawyers, engineers, certified public accountants, auditors at iba pa. Nangangahulugan ito na bagamat ang tingin ng ibang bansa sa mga manggagawang Pilipino ay mga DH lamang, lingid sa kanilang kaalaman na ang bawat bansa sa buong mundo ay may Pilipinong manggagawa na bumubuhay sa kanilang mga kumpanya.
Ngunit katotohanan din na bagamat meron tayong ganitong mga propersyunal sa ibang bansa, hindi maikakaila na iniwan din nila sa kani-kanilang mga magulang ang kanilang mga anak. Ang ibang mga iniwang bata, musmos pa lamang ay iniiwan na dito sa Pinas ng kanilang mga magulang upang maghanapbuhay sa ibang bansa. Ang iba naman maaaring iniwan sa kanilang mga kamag-anak na kung minsan nagiging kalunuslunos ang kanilang kalagayan sa kanilang mga kamay. Ngunit mapapalad ang ganitong mga bata kung tutuusin, sapagkat paglaki nila meron silang magagamit na panustus sa kanilang kinabukasan.
5. ANG PANGARAP KONG KANO. Ordinaryo ng makita ang mga kababayan nating nakapag-asawa ng mga dayuhan. Makikita mo sila sa bawat sulok ng Pilipinas. Isang katotohanan sa mga Pilipina na marami sa kanila ang may pangarap na makapag-asawa ng puti o kano. At isa ring katotohanan na ginagawa nila ito sapagkat umaasa sila na makukuha sila ng mga dayuhan pabalik sa kanilang mga bansa. Ang iba naman nakapagasawa na mismo sa abroad ng isang dayuhan at hindi na nakauwi dito sa Pilipinas sapagkat meron na silang pamilya sa piling ng isang dayuhan.
Ngunit hindi maikakaila na marami sa ating mga kababayan ang iniwan ng kanilang mga asawang dayuhan. Kaya naman, marami tayong nakikitang kababayan nating mga kabataan na mukhang dayuhan ang itsura. Ito yung mga kabataan na ang mga ama ay mga dayuhan. At ito rin yung mga kabataang iniwan ng kanilang amang dayuhan dito sa Pilipinas.
Isang masaklap na katotohanan na marami tayong mga kababayang Pilipina ang isinama ng kanilang mga kasintahan o asawang dayuhan sa ibang bansa na walang kaalam-alam na gagawin lang pala silang mga alipin at tauhan.
6. BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING AT WHITE SLAVERY. Marami ang manloloko sa Pilipinas, kapwa Pilipino man o dayuhan. Sila yung mga taong nagpapangako ng magandang hanapbuhay sa ibang bansa. Ang madalas na biktima ng mga ito ay mga menor-de-edad na mga kabataan. Ito yung mga kabataang nangangarap makapagasawa ng mga dayuhan. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na sila ay ibebenta sa ibang bansa upang maging mga alipin ng mga dayuhan.
Ang iba naman ang inaakala nila ay papasok sila sa isang magandang kumpanya ngunit kapag sila ay nasa ibang bansa na, mauunawaan nila na sila ay gagawing katulong ng mga malulupit na dayuhan. Marami na tayong nabalitaan na namatay na mga kababayan natin sa kamay ng malulupit nilang mga amo. Ang epekto nito, hindi lamang ang nawalang buhay ng isa nating kaawa-awang kababayan kundi pati na rin ang kahirapan at hinagpis ng kanyang iniwang mga anak at pamilya sa Pilipinas.
7. ENTERTAINMENT FOR SALE. Sino ang hindi nakakaalam ng turing na Japayuki? Sila yung mga kababayan nating entertainers sa Japan. Japayuki ang tawag sa mga babaeng entertainers, Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sila ang mga manggagawa nating Pilipino sa Japan na ang hanapbuhay ay magbigay aliw sa pamamagitan ng talento sa pagkanta at pagsayaw sa mga club, beerhouse, studios, at hotels sa mga manunuod na Hapon.
Para sa iba, ang turing na Japayuki at Justo ay may masama at mabuting kunotasyon. Ang mga Japayuki kasi ay iniisip ng marami na mga tagaaliw ng mga Hapon. Kapag sinabi kasi sa Pilipinas na tagaaliw, binibigyan natin ito ng ibang kahulugan tulad ng turing na pokpok, hostes, at mga magdalena. Inaakala natin na isang maruming hanapbuhay ang pagiging Japayuki at Justo. Sa kalaunan, inuuyaw natin ang ating kapwa Pilipino na matapat na naghahanapbuhay sa ibang bansa.
Dito nagiging kawawa ang mga kabataan nating may mga magulang na Japayuki o Justo. Sapagkat inuuyaw (inaasar) sila ng kanilang mga kapwa kabataan na Japayuki daw ang kanilang mga magulang. Binibigyang kahulugan nila na marumi ang pagiging Japayuki o Justo. Ito naman ngayon ang maitatatak na isip ng kawawang bata at kakalakihan niya ang paniniwalang ang pagiging Japayuki o Justo ay marumi.
Ngunit ang totoo, hindi ganito ang mga Japayuki at mga Justo. Marami sa kanila ang malinis ang hanapbuhay sa Japan. Ang pagiging Japayuki at Justo ay isang klase ng trabaho sa Japan na binabayaran ng mga Hapon ng mataas na sahod. Lingid sa kaalaman nating lahat na hindi mga pokpok o hostess ang mga Japayuki at Justo. Hindi natin alam na may mga klase ng Japayuki at Justo na ang trabaho lamang nila ay kumanta, sumayaw at magtanghal sa harap ng mga Hapon. Hindi sila pwedeng ilabas sa club o beerhouse (tulad ng mga pokpok) ng mga Hapon para bayaran sa seks. Ipinagbabawal din sa mga Hapon na sila ay hawakan o bastusin. Kaya naman mataas ang tingin ng mga ito sa kanila.
Kaya naman madalas ang mga kababayan nating Japayuki ay nakakapaguwi ng mga "lapad" (pera ng Hapon) at nakakapagtayo ng magaganda at malalaking bahay kapag nagkaroon ng magandang kapalaran sa Japan.
Sa ibang dako naman, ang mga nabanggit sa ibaba ang ilan sa mga dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga Pilipino.
8. ANG PANGARAP KONG STATE-SIDE NA EDUKASYON. Tanggapin na natin, kung ikukumpara ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, mas malayong mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa ibang bansa. Kaya naman, ang ilan sa ating mga kababayan na may kakayahang tustusan ang pag-aaral sa ibang bansa, mas nagnanais na mangibang bayan upang manaliksik ng mas mataas na kaalaman. Ang ilan sa ating mga propesyunal at mga respetadong opisyal sa gobyerno ay sa ibang bansa kumuha ng edukasyon tulad ni Senador Miriam Defensor na kilala nating talaga namang napakatalinong Pilipino.
9. AYOKO NG MAGING PILIPINO. Hindi mahirap ang bayang Pilipinas! Bakit? Sapagkat hindi natin maikakaila na bagamat may mga kababayan tayong lumalabas ng bansa upang maghanapbuhay, meron din naman tayong mga kababayan na nangingibang bayan sapagkat gusto nilang subukan ang mabuhay sa ibang bansa.
Green Card, ito ang pangarap na makuha ng sinumang Pilipino na nangangarap maging mamamayan ng Estados Unidos. Marami na tayong mga kababayang Pilipino ang naging ganap ng Amerikano sa pamamagitan ng batas ng Estados Unidos. Kapag meron kang Green Card ibig sabihin nito isa ka ng mamamayan ng U.S.
Ngunit sa kabila ng katotohanang ito, katotohanan din na bagamat may mga kababayan tayo na ganap ng mga Amerikano, hindi nila maikakaila na hindi lahat ng miyembro ng kanilang pamilya (ang iba ay mga anak at asawa nila) ay mga ganap na ring mga Amerikano. Ang totoo, marami pa sa kanilang mga kamag-anak ang nandito pa sa Pilipinas na naghihirap at naghihintay na makuha sila ng kanilang mga magulang o kamag-anak sa ibang bansa.
10. TAWAG NG TUNGKULIN. Ang huling bahagi ng mga dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga kababayan nating mga Pilipino ay ang tinatawag nating "tawag ng tungkulin". Meron itong ibat-ibang kahulugan sapagkat ang "tungkulin" ay isang malawak na termino.
Meron kasi tayong mga kababayang propersyunal na gustuhin man nila o hindi, kailangan nilang mangibang bansa dahil sa uri ng kanilang kakayahan o propesyon. Tulad na lamang ng mga pastor, pari, at mga ebanghelista na kailangang madestino sa kanilang mga kongregasyon na nasa ibayong dagat na sakop ng kanilang tungkulin. Ang mga iba naman ay mga direktor, artista, at espesyalista. Ang iba naman ay mga ipinadala ng mga pampubliko at pribadong tanggapan tulad ng mga embahador at mga tagapag-ugnay sa ating pamahalaan. Ang mga nasa pribadong sektor naman, ipinapadala ang ilan sa kanilang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa upang pangasiwaan ang kanilang negosyo sa ibayong dagat. At katulad ng iba, ang mga manggagawang ito ay kailangang iwan dito sa Pilipinas ang kanilang mga anak, pamilya at kamag-anak sa pag-asang magkakaroon sila ng magandang kapalaran sa ibang bansa.
Tunay, nagkalat ang mga Pilipino saan mang dako ng mundo. Ang bawat Pilipinong ito ay may ibat-ibang dahilan kung bakit sila naroon. Napadpad sila sa ibayong dagat sa ibat-ibang uri ng kanilang kapalaran at mga pangarap. Mahirap man o mahirap, matagumpay o nasawi, at masaya man o malungkot ang kanilang mga buhay iisa lang ang mananatiling katotohanan....nasaan man silang sulok ng mundo, mananatili sa kanilang ugat ang dugo ng isang Pilipin
"Nag-aalaga ako ng batang hindi lumabas sa aking matres. Nag-aasikaso ako ng anak ng ibang tao, samantalang ang anak ko sa Pinas hindi ko alam kung kumakain sa tamang oras!"
"Nagpapaligo ako ng batang hindi akin, samantalang hindi ko alam kung nanlilimahid na sa dumi ang aking bunsong anak sa pinas!"
"Kumakain ako ng saganang pagkain dito, samantalang ang pamilya ko sa pinas hindi ko alam kung may nakakain pa. Natutulog ako sa maayos na kama samantalang ang mga anak ko nagsisiksikan sa isang masikip na higaan."
"Nagpapakapagod ako dito umaga hanggang gabi upang matustusan ko ang pangangailangan ng aking pamilya, sa kalaunan mababalitaan ko nanambababae ang walang-hiya kong asawa. Nilulustay sa sugal, alak, bisyo at kalayawan ang perang dugo't pawis ko ang puhunan!"
"Lintik na buhay to! Delayed na naman ang sahod! Mga anak ko sa Pinas hindi pa nakakabayad ng matrikula! Kung minamalas ka nga naman oo! Mare, lalabas ako maghahanap ng extra kung kinakailangan ibebenta ko ang aking sarili!"
"Kabayan, meron ka bang extra dyan? Pwedeng pahiram naman muna bayaran ko sa sahod. Kailangan ko lang magpadala ng pera sa pamilya ko sa Pinas, mapuputulan na daw sila ng kuryente at tubig, palalayasin na daw sila ng may-ari ng bahay na inuupahan ng pamilya ko, wala na daw sila makain."
Ito ang madalas na saloobin at kalungkutan ng bawat isang ina, ama, ate, kuya at mga kababayan nating manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa upang maghanapbuhay. Iniwan ang kanilang mga anak, pamilya, at kamag-anak upang makipagsapalaran sa ibayong-dagat. Marami ang dahilan kung bakit napipilitan ang marami nating kababayan na mangibang-bansa. Ito ay ilan lamang sa napakaraming dahilan kung bakit iniiwan ng ating mga kababayan ang Pilipinas upang habulin ang kapalaran sa ibang bansa. Ang iba naman ay sadyang biktima lamang ng isang masaklap na katotohanan.
1. PAGTAKAS. Ito ang salitang aking naisip na angkop upang ilarawan ang dahilan kung bakit marami ang lumalabas sa ating bansa. Ang kahirapan, kaguluhan, at kurapsyon sa ating bansa ang ilan sa mga dahilan kung bakit tumatakas ang ating mga kababayan sa ating teritoryo. Sino ba ang gustong manirahan sa isang bansang sagana sa kahirapan?
Marami sa ating mga kababayan (karamihan ay mga nakapagtapos ng kolehiyo) ang napipilitang tumanggap ng trabaho na hindi angkop sa kanilang edukasyon. Marami sa kanila ang napipilitang maging DH (Domestic Helper) para lamang magkaroon ng trabaho. Tama nga naman, mas nanaisin mo pang maging DH kaysa naman tumambay sa Pinas at maging palamunin ng mga magulang. Kung hindi naman, mas gugustuhin mo pang tumakas sa Pilipinas at maging TNT (Tago-ng-Tago) sa ibang bansa para lamang mabuhay ang iyong pamilya at mga anak.
2. WALANG SAPAT NA TRABAHO AT SAHOD SA PINAS. Angkakulangan ng sapat na hanapbuhay sa ating bansa ay isa rin sa mga nakahanay na dahilan kung bakit marami sa ating manggagawang Pilipino ang nagnanais na maghanapbuhay sa ibang bansa. Kung meron mang trabaho dito sa Pinas, sa malimit na pagkakataon hindi sapat ang suweldo upang tustusan ang malaking gastusin ng pamilya. Kaya, kapag may pagkakataon na maghanapbuhay (sa ibang bansa) sa mas malaking sahod, sinusunggaban ito ng bawat manggagawang Pilipino.
Ngunit kasabay ng pagtakas na ito ay ang pag-iwan sa mga anak (ang iba ay musmos pa) dito sa Pilipinas. Marami sa mga batang Pilipino ang naiiwan sa kanilang mga kamag-anak sapagkat nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang upang maghanapbuhay. Ang katumbas ng pagtakas na ito ay maaaring magandang kapalaran ng magulang na nasa ibang bansa at kaginhawaan o kahirapan naman sa mga anak na iniwan dito sa Pilipinas sa kamay ng mga kamag-anak.
Marami na tayong mga nabalitaan sa radyo, telebisyon at mga pahayagan ng kaso ng Domestic Violence, Child Abuse, at Juvenile Delinquency at malimit na mga biktima ay mga iniwang anak ng mga OFW o kung hindi naman ay nasa ibang bansa ang isang magulang (ina o ama). Sa halip na maging magaan sana ang buhay ng isang OFW, sa malimit na pagkakataon mas nagiging mabigat ito dahil sa ganitong mga pangyayari.
3. INUTIL NA ASAWA. Maraming babaeng manggagawang pinoy angnapipilitang mangibang bansa upang matustusan ang kakulangan ng kanilang pamilya lalo na ng kanilang mga tamad at inutil na asawa. Mas gugustuhin pa ng mga babaeng Pilipino na mahiwalay sa kanilang mga anak upang lumayo lamang sa buhay na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga asawang wala din hanapbuhay.
Sila yung mga babaeng nakapag-asawa ng mga iresponsableng lalaki na walang ibang ginawa kundi tumambay sa kanilang bahay at maghintay ng maihahain na pagkain sa lamesa. Sila yung mga asawang wala na ngang makain, nagdadala pa ng mga barkadang lasenggo at sugarol sa kanilang bahay upang lumaklak ng alak. Mas gugustuhin pa ng isang babaeng Pilipino na maging DH (Domestic Helper) sa ibang bansa, sapilitang iwan ang kaniyang mga anak, upang maghanapbuhay sa ibang bansa para lamang matustusan ang kakulangan ng kanilang mga batugang asawa.
Tinitiis ng mga manggagawang Pinay ang mag-alaga ng mga anak na hindi sa kanila upang matustusan lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ginagawa rin nila ito upang makatakas sa hirap ng buhay dala ng kanilang tamad at inutil na asawa.
4. PAG-ABOT AT PAGTUPAD SA MGA PANGARAP. "Walang asenso dito sa Pinas." Ito ang madalas na dahilan ng mga kababayan nating matayog ang pangarap sa buhay. Ika nga, nauubusan na ang Pilipinas ng mga matatalino at respetadong mga manggagawa sapagkat lumalabas sila ng bansa upang ibenta ang kanilang mga serbisyo at kakayahan sa ibang bansa sa mas mataas na sahod.
Hindi lingid sa atin na marami tayong mga kababayang propesyunal na naghahanapbuhay sa ibang bansa. Halimbawa na lamang dito ang executive chef ng White House na isang Pilipina na sana nagbibigay ng sariling serbisyo sa ating sariling Pangulo. Ngunit ang pangulo ng Estados Unidos ang nakakatikim ng kanyang masarap na hain ng pagkain.
Marami din tayong mga kababayan sa ibang bansa na humahawak ng matataas na posisyon tulad ng superbisor, manager, top executives, at stakeholders sa kani-kanilang mga kumpanya. Kabilang dito ang mga propesyong tulad ng doctor, lawyers, engineers, certified public accountants, auditors at iba pa. Nangangahulugan ito na bagamat ang tingin ng ibang bansa sa mga manggagawang Pilipino ay mga DH lamang, lingid sa kanilang kaalaman na ang bawat bansa sa buong mundo ay may Pilipinong manggagawa na bumubuhay sa kanilang mga kumpanya.
Ngunit katotohanan din na bagamat meron tayong ganitong mga propersyunal sa ibang bansa, hindi maikakaila na iniwan din nila sa kani-kanilang mga magulang ang kanilang mga anak. Ang ibang mga iniwang bata, musmos pa lamang ay iniiwan na dito sa Pinas ng kanilang mga magulang upang maghanapbuhay sa ibang bansa. Ang iba naman maaaring iniwan sa kanilang mga kamag-anak na kung minsan nagiging kalunuslunos ang kanilang kalagayan sa kanilang mga kamay. Ngunitmapapalad ang ganitong mga bata kung tutuusin, sapagkat paglaki nila meron silang magagamit na panustus sa kanilang kinabukasan.
5. ANG PANGARAP KONG KANO. Ordinaryo ng makita ang mga kababayan nating nakapag-asawa ng mga dayuhan. Makikita mo sila sa bawat sulok ng Pilipinas. Isang katotohanan sa mga Pilipina na marami sa kanila ang may pangarap na makapag-asawa ng puti o kano. At isa ring katotohanan na ginagawa nila ito sapagkat umaasa sila na makukuha sila ng mga dayuhan pabalik sa kanilang mga bansa. Ang iba naman nakapagasawa na mismo sa abroad ng isang dayuhan at hindi na nakauwi dito sa Pilipinas sapagkat meron na silang pamilya sa piling ng isang dayuhan.
Ngunit hindi maikakaila na marami sa ating mga kababayan ang iniwan ng kanilang mga asawang dayuhan. Kaya naman, marami tayong nakikitang kababayan nating mga kabataan na mukhang dayuhan ang itsura. Ito yung mga kabataan na ang mga ama ay mga dayuhan. At ito rin yung mga kabataang iniwan ng kanilang amang dayuhan dito sa Pilipinas. Sila yung mga tinatawag na Amerisians.
Isang masaklap na katotohanan na marami tayong mga kababayang Pilipina ang isinama ng kanilang mga kasintahan o asawang dayuhan sa ibang bansa na walang kaalam-alam na gagawin lang pala silang mga alipin at tauhan.
6. BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING AT WHITE SLAVERY.Marami ang manloloko sa Pilipinas, kapwa Pilipino man o dayuhan. Sila yung mga taong nagpapangako ng magandang hanapbuhay sa ibang bansa. Ang madalas na biktima ng mga ito ay mga menor-de-edad na mga kabataan. Ito yung mga kabataang nangangarap makapagasawa ng mga dayuhan. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na sila ay ibebenta sa ibang bansa upang maging mga alipin ng mga dayuhan.
Ang iba naman ang inaakala nila ay papasok sila sa isang magandang kumpanya ngunit kapag sila ay nasa ibang bansa na, mauunawaan nila na sila ay gagawing katulong ng mga malulupit na dayuhan. Marami na tayong nabalitaan na namatay na mga kababayan natin sa kamay ng malulupit nilang mga amo. Ang epekto nito, hindi lamang ang nawalang buhay ng isa nating kaawa-awang kababayan kundi pati na rin ang kahirapan at hinagpis ng kanyang iniwang mga anak at pamilya sa Pilipinas.
7. ENTERTAINMENT FOR SALE. Sino ang hindi nakakaalam ng turing naJapayuki? Sila yung mga kababayan nating entertainers sa Japan. Japayuki ang tawag sa mga babaeng entertainers, Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sila ang mga manggagawa nating Pilipino sa Japan na ang hanapbuhay ay magbigay aliw sa pamamagitan ng talento sa pagkanta at pagsayaw sa mga club, beerhouse, studios, at hotels sa mga manunuod na Hapon.
Para sa iba, ang turing na Japayuki at Justo ay may masama at mabuting kunotasyon. Ang mga Japayuki kasi ay iniisip ng marami na mga tagaaliw ng mga Hapon. Kapag sinabi kasi sa Pilipinas na tagaaliw, binibigyan natin ito ng ibang kahulugan tulad ng turing na pokpok, hostes, at mga magdalena. Inaakala natin na isang maruming hanapbuhay ang pagiging Japayuki at Justo. Sa kalaunan, inuuyaw natin ang ating kapwa Pilipinona matapat na naghahanapbuhay sa ibang bansa.
Dito nagiging kawawa ang mga kabataan nating may mga magulang na Japayuki o Justo. Sapagkat inuuyaw (inaasar) sila ng kanilang mga kapwa kabataan na Japayuki daw ang kanilang mga magulang. Binibigyang kahulugan nila na marumi ang pagiging Japayuki o Justo. Ito naman ngayon ang maitatatak na isip ng kawawang bata at kakalakihan niya ang paniniwalang ang pagiging Japayuki o Justo ay marumi.
Ngunit ang totoo, hindi ganito ang mga Japayuki at mga Justo. Marami sa kanila ang malinis ang hanapbuhay sa Japan. Ang pagiging Japayuki at Justo ay isang klase ng trabaho sa Japan na binabayaran ng mga Hapon ng mataas na sahod. Lingid sa kaalaman nating lahat na hindi mga pokpok o hostess ang mga Japayuki at Justo. Hindi natin alam na may mga klase ng Japayuki at Justo na ang trabaho lamang nila ay kumanta, sumayaw at magtanghal sa harap ng mga Hapon. Hindi sila pwedeng ilabas sa club o beerhouse (tulad ng mga pokpok) ng mga Hapon para bayaran sa seks. Ipinagbabawal din sa mga Hapon na sila ay hawakan o bastusin. Kaya naman mataas ang tingin ng mga ito sa kanila.
Kaya naman madalas ang mga kababayan nating Japayuki ay nakakapaguwi ng mga "lapad" (pera ng Hapon) at nakakapagtayo ng magaganda at malalaking bahay kapag nagkaroon ng magandang kapalaran sa Japan.
Sa ibang dako naman, ang mga nabanggit sa ibaba ang ilan sa mga dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga Pilipino.
8. ANG PANGARAP KONG STATE-SIDE NA EDUKASYON. Tanggapin na natin, kung ikukumpara ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, mas malayong mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa ibang bansa. Kaya naman, ang ilan sa ating mga kababayan na may kakayahang tustusan ang pag-aaral sa ibang bansa, mas nagnanais na mangibang bayan upang manaliksik ng mas mataas na kaalaman. Ang ilan sa ating mga propesyunal at mga respetadong opisyal sa gobyerno ay sa ibang bansa kumuha ng edukasyon tulad ni Senador Miriam Defensor na kilala nating talaga namang napakatalinong Pilipino.
9. AYOKO NG MAGING PILIPINO. Hindi mahirap ang bayang Pilipinas! Bakit? Sapagkat hindi natin maikakaila na bagamat may mga kababayan tayong lumalabas ng bansa upang maghanapbuhay, meron din naman tayong mga kababayan na nangingibang bayan sapagkat gusto nilang subukanang mabuhay sa ibang bansa.
Green Card, ito ang pangarap na makuha ng sinumang Pilipino na nangangarap maging mamamayan ng Estados Unidos. Marami na tayong mga kababayang Pilipino ang naging ganap ng Amerikano sa pamamagitan ng batas ng Estados Unidos. Kapag meron kang Green Card ibig sabihin nito isa ka ng mamamayan ng U.S.
Ngunit sa kabila ng katotohanang ito, katotohanan din na bagamat may mga kababayan tayo na ganap ng mga Amerikano, hindi nila maikakaila na hindi lahat ng miyembro ng kanilang pamilya (ang iba ay mga anak at asawa nila) ay mga ganap na ring mga Amerikano. Ang totoo, marami pa sa kanilang mga kamag-anak ang nandito pa sa Pilipinas na naghihirap at naghihintay na makuha sila ng kanilang mga magulang o kamag-anak sa ibang bansa.
10. TAWAG NG TUNGKULIN. Ang huling bahagi ng mga dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga kababayan nating mga Pilipino ay ang tinatawag nating "tawag ng tungkulin". Meron itong ibat-ibang kahulugan sapagkat ang "tungkulin" ay isang malawak na termino.
Meron kasi tayong mga kababayang propersyunal na gustuhin man nila o hindi, kailangan nilang mangibang bansa dahil sa uri ng kanilang kakayahan o propesyon. Tulad na lamang ng mga pastor, pari, at mga ebanghelista na kailangang madestino sa kanilang mga kongregasyon na nasa ibayong dagat na sakop ng kanilang tungkulin. Ang mga iba naman ay mga direktor, artista, at espesyalista. Ang iba naman ay mga ipinadala ng mga pampubliko at pribadong tanggapan tulad ng mga embahador at mga tagapag-ugnay sa ating pamahalaan. Ang mga nasa pribadong sektor naman, ipinapadala ang ilan sa kanilang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa upang pangasiwaan ang kanilang negosyo sa ibayong dagat. At katulad ng iba, ang mga manggagawang ito ay kailangang iwan dito sa Pilipinas ang kanilang mga anak, pamilya at kamag-anak sa pag-asang magkakaroon sila ng magandang kapalaran sa ibang bansa.
Tunay, nagkalat ang mga Pilipino saan mang dako ng mundo. Ang bawat Pilipinong ito ay may ibat-ibang dahilan kung bakit sila naroon. Napadpad sila sa ibayong dagat sa ibat-ibang uri ng kanilang kapalaran at mga pangarap. Mahirap man o mahirap, matagumpay o nasawi, at masaya man o malungkot ang kanilang mga buhay iisa lang ang mananatiling katotohanan....saan mang sulok ng mundo naruroon ang mga kababayan natin, mananatili sa kanilang mga ugat ang dugo ng isang Pilipino.