Seventy Five (75)

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Thursday, August 27, 2009

Umaalulong ang bilanggo mong pawis,
Na pinasidhi ng immortal na buwan,
Kaulayaw ng gabing nagbabaga,
Sa lamig na dala ng wari'y kamangmangan,
At ito'y hudyat ng unti-unti mong pagkabaliw,
Sapagkat muling isisilang ang umaga,
At nais mo ng magpahinga at pumanaw,
Sapagkat bukas na ang maaaring katapusan,
Ngunit ang uyaw ay muling narinig,
Sa labi ng gurong bangungot,
At ngayo'y tinatawanan ka na ng araw,
Humahalaklak sa iyong bintana,
Sapagkat, O nais mong pagsanayan,
Ang bawat kasagutan...

Bagamat wala ka pang pahinga,
walang kapaguran...
Ngunit sila'y di naniniwala na ikaw nama'y
Nag-aaral...
Ito'y walang makaunawa...
Ito'y di maunawaan ng sinuman...
Kundi ako, Kundi ikaw...
Magkakaramay isang pamilya,
Isang barangay.
Palakol na karangalan...PASADO!
Bukas...
Isang tagay!
Isang pagdiriwang!

1 Comment

  1. Anonymous Says,

    ayos! karelate ako dito. ine-aim ko na nga lang eh 73! hakhak! pero bakit ang saya ko na... hahay! paparty!

    slu ka rin po pala! apir! hakhak! graduating! kaya mo yan kuya! hakhak!

    nakikidaan lang muna...

     

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit