Yoohoooo Balikbayan Box!!!

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Monday, October 12, 2009

Ito ang pinakasikat na kahon sa Pilipinas.
Ito ang pinaka-aasam na kahon ng mga pinoy na may kamag-anak sa ibang bansa.
Ito ang kahon na naglalaman ng buong mundo pabalik sa ating bansa.
Ito ang kahon na sumisimbolo sa mga OFW.
Tama, ito ang tanyag na BALIKBAYAN BOX.
Naisip ko lang isa-isahin ang sampu (10) sa mga karaniwang nilalaman ng isang Balikbayan Box. Masayang namnamin
paminsan-minsan ang mga bagay na kung tawagin natin ay "state-side". Masarap balikan ang mga aral na nakatanggap tayo
ng mga pangarap nating pasalubong mula sa ibang bansa. Halika at isa-isahin nating buklatin ang laman ng PINOY
BALIKBAYAN BOX.
1. SANDAMAKMAK NA TSOKOLATE. Ito ang unang-una mong makikita sa loob ng isang balikbayan box. Matitikman mo ang
ibat-ibang klase ng tsokolate na mula sa ibang bansa. Sino bang hindi nakatikim ng Sneakers, Butterfinger, Lindt Chocolates,
Hersheys, Kisses, Mars, Hudhgens, at maraming marami pang ibang klase ng tsokolate. At sino bang hindi makakalimot
bumili ng tanyag na Toblerone? Idagdag mo na rin dito ang ibat-ibang klase ng cookies at tinapay, crackers, waffers, at
candies. Ito ang madalas na nasa ibabaw ng balikbayan box sapagkat madali itong matunaw.
2. MGA PLASTIC NA DE-PANGALAN. Oo, tama ang iniisip niyo. Mawawala ba naman ang mga nakaplastic-plastik na
pasalubong sa loob ng isang balikbayan box? Malalaman mo kung kanino mapupunta ang naturang plastik na iyon sapagkat
meron itong pangalan. Ibig sabihin nito, bago pa man ilipad ng eroplano o dalhin ng barko ang balikbayan box, meron ng
nagmamay-ari nito. At walang pwedeng magbukas nito kundi ang nakapangalan.
Maaaring brand new original rubber shoes (Nike, Adidas, Reebok, etc), original na Rado watches o relo (pwede ring Seiko,
Casio, o Aquamarine), original na celfon, original na PSP, original na shades, at iba pang mga ipinagpauna ng ipinabibili ng
mga kamag-anak sa pinas. Nangyayari ito lalo na kapag may birthday, graduation, debut, binyag o ano pa mang okasyong
hindi ka nabigyan noon ng regalo. Kaya bumawi ka at nagrequest ng gusto mong ipadala sa iyo sa balikbayan box.
3. MGA BAGS, DAMIT, SAPATOS AT MGA PANG-GARUTAY. Habang hinahalukay mo ang kaloob-looban ng balikbayan box
mo, maaamoy mo na ang ibat-ibang klase ng mababangong amoy. Pero hindi mo agad ito makikita sapagkat sila ay
nakasiksik sa mga bulsa ng mga bag na ipinadala sa iyo. Ito yung mga pabango at panggarutay (make-ups and accessories)
na "state-side" na binili ng mga kamag-anak mo sa ukay-ukay sa ibang bansa.
Yung iba naman inipon ng mga kamag-anak mong OFW mula sa mga eroplanong kanilang nasakyan. Hindi nila ito ginagamit
sapagkat gusto nila itong ipadala sa iyo. At mapapansin mo din, ang ibang pabango sa sobrang kabanguhan ayaw mo itong
gamitin sapagkat baka magka-sinusitis ka. Ang masaklap kapag nasubrahan mong gumamit nito, mangangamoy bombay ka.
Madalas nakadisplay na lang ang mga pabangong ito sa harap ng tokador (mirror) sapagkat magaganda ang mga bote nito.
Madalas ka rin makahanap sa loob ng kahon ng mga balat at matitibay na sapatos galing sa ibang bansa. Kasama ng mga ito
ang mga bag na may tatak orihinal tulad ng Channel, Dolce and Gabbana, Louis Vitton, at Versace. At madalas hindi
nakakalimutang buksan agad ang mga bulsa nito sapagkat maaari itong may lamang alahas, dollar, relo, o pabango.
4. MGA DE LATA, STATE-SIDE COFFEE, GATAS, AT MGA KESO. Ito ang mga dahilan kung bakit mabigat ang isang
balikbayan box. Sino bang hindi pa nakakatikim ng tanyag na Spam Corned Beef, Campbells Soup, Imperial Luncheon Meat,
Imperial Corned Beef at sausages.
Madalas pinag-aagawan din ng mga matatanda ang mga state-side na kape tulad ng Davidoff, Nescafe (na meron din naman
dito sa Pinas), Hills Bros. Coffee, at marami pang iba.Madalas may kasama din gatas at creamer. Kung minsan meron din
asukal na bloke-bloke ang disenyo.
Ang pinakapaborito naman ng mga bata (bukod sa mga tsokolate at candies) ay ang mga keso. Meron itong ibat-ibang
disenyo, may bilog, parisukat, parihaba at iba pang hugis. Nakakatuwa din ang mga lalagyan ng mga ito at madalas hindi natin
ito itinatapon kapag wala na itong laman. Itinatago natin ang mga ito sa ating mga kabinet. Kung hindi man, madalas ginagamit
din natin ang mga ito na lalagyan ng kape, asukal, gatas, suka, asin, at kung ano-anu pa.
5. MGA STATE-SIDE NA SABON, TOILETRIES, AT GAMIT SA KUSINA. Sino ba namang makakalimot magpadala ng mga
sabon na galing sa ibang bansa. Ang mga ito kasi ay mura doon. Hindi katulad dito sa Pinas na ang mga ito ay napakamahal.
Hindi mawawala ang malalaking bote ng Jonhson and Jonhson soaps and shampoes, Dove Soaps, Nivea Soaps, Jergens
Soaps, at ang mabangong sabon na Check. Hindi rin mawawala ang malalaking toothpaste na Closeup, Colgate, Pepsodyne,
at Sensodyne na mahahalata mong binili talaga sa ibang bansa. Nandyan din ang malalaking bote ng shampoo and
conditioners.
6. MGA PAMPAKINIS AT PAMPAGANDA. Pinakaaabangan din ng mga nangangarap pumuti, kuminis, gumanda at gumwapo
ang mga state-side na lotion, facial wash, moisturizers, toning creams, hand sanitizers, at beauty vitamins. Sikat na
ipinapadala ang Dove lotions, Nivea, Jergens, Victoria's Secret, St. Ives, at Ponds. Kung dito mo bibilhin sa Pilipinas ang mga
ito, sa halip na gumanda ka, papangit ka sa stress sa sobrang mahal ang presyo.
Madalas ang mga ito ay mga nakasiksik sa gilid-gilid ng balikbayan box sapagkat hindi pwedeng mapisa ang mga ito. Ito rin
ang sanhin ng mabangong halimuyak kapag binuksan ang isang balikbayan box.
7. MGA ALAHAS AT ACCESSORIES. Ang mga ito naman ang pinakahihintay na mahalukay ng mga nanay. Hindi mo agad ito
makikita sapagkat bukod sa madalas maliit lamang ang sisidlan ng mga ito, madalas ito ay isinisiksik kung saan sa loob ng
balikbayan box. Maaaring nasa bulsa ng isang bag, nasa bulsa ng isang pantalon o damit, nasa loob ng isang box na malaki
na meron pang isang-daang box sa loob, o nakaipit sa isang sobre. Maliliit ang mga ito ngunit ito ang pinaka-aabangan ng mga
nanay at tatay...ang pasalubong na alahas para sa kanila.
8. MGA KURTINA AT BEDSHEETS. Bukod sa alahas at mga makikinang na bagay, ang mga kurtina at bedsheets naman ang
isa sa tunay na nakakapagpasabik sa mga nanay habang hinahalukay ang balikbayan box. Mahahalata mo kasi sa isang
bahay kung meron silang kasambahay na nasa ibang bansa. Madalas may magaganda, makakapal, makikinang, at malalapad
na kurtina ang mga bintana at pintuan ng mga bahay na ganito. Kung papalarin kang pumasok sa kanilang silid-tulugan,
mapapansin mo ang magara at malapad na king-size bedsheets ng mga ito.
9. MGA ORIHINAL NA LARUAN! Remote controlled car na yata ang pinakasikat na pasalubong sa mga batang lalaki na may
mga magulang o kapatid sa ibang bansa. Barbie dolls at Brat dolls naman para sa mga babae. Kung hindi man mga malalaki
at supercute stuff toys tulad nila Hello Kitty, Tweety Bird, Garfield, Elmo at Olive. Mawawala ba naman ang mga maliliit Marvel
Heroes at mga tau-tauhang laruan?
Sa panahon ngayon, medyo demanding na mga bata. Madalas ayaw na nila ang pangkaraniwang laruan tulad ng maliliit na
kotse, manika at mga toy accessories. Ang gusto na ng mga bata ngayon ay ang mga mamahaling laruan tulad ng PSP, Wii,
Nintendo, PS5, MP4 with Games at iba pang modernong laruan. Ang mga nagbibinata naman, gusto nila ng bagong cellphone,
mp3/mp4, iPod, relo, at laptops. Kaya hindi nakapagtataka kung meron ka ding mahalukay na mga ganito sa loob ng
balikbayan box.
10. MGA APPLIANCES. Kung pwede lang ipadala ng mga OFW ang lahat ng klase ng appliances na meron sila sa ibang
bansa, ipapadala nila ito sa Pilipinas. Ang mga madalas na ipadala ay TV, LCD, laptops, Mini-Component, Microwave Oven,
Heaters, Grillers at marami pang appliances na kasya sa loob ng balikbayan box. Kung pwede lang maglagay ng ref, washing
machine, aircon, at gas and electric range gagawin din nila.
Mapapansin mo ang mga appliances na galing sa ibang bansa. Una, sa itsura ng saksakan ng mga ito. Ang mga ito ay
madalas may tatlong panusok sa kuryente o saksakan. Pangalawa, sa boltahe ng kuryente. Kapag ang appliances ay galing
sa Amerika, ang mga ito ay may 110 na boltahe. Pangatlo, sa brand, pangalan, o tatak ng appliances. Kung made in kuwait, o
USA, o Singapore ang mga ito, tiyak orihinal itong binili sa ibang bansa. Pero kung Made in China ito, malamang binili yun sa
ukay-ukay sa ibang bansa.

balikbayan-boxIto ang pinakasikat na kahon sa Pilipinas.


Ito ang
pinaka-aasam na kahon ng mga pinoy na may kamag-anak sa ibang bansa.


Ito ang kahon na
naglalaman ng buong mundo pabalik sa ating bansa.



Ito ang kahon na
sumisimbolo sa mga OFW.

Tama, ito ang tanyag na BALIKBAYAN BOX.


Naisip ko lang isa-isahin ang sampu (10) sa mga karaniwang nilalaman ng isang Balikbayan Box. Masayang namnamin paminsan-minsan ang mga bagay na kung tawagin natin ay "state-side". Masarap balikan ang mga araw na nakatanggap tayo ng mga pangarap nating pasalubong mula sa ibang bansa. Halika at isa-isahin nating buklatin ang laman ng PINOY BALIKBAYAN BOX.


1. SANDAMAKMAK NA TSOKOLATE. Ito ang unang-una mong makikita sa loob ng isang balikbayan box. Matitikman mo ang ibat-ibang klase ng tsokolate na mula sa ibang bansa. Sino bang hindi nakatikim ng mamaning Sneakers, sobrang tamis na Butterfinger, mamahaling Lindt Chocolates, tanyag na Hersheys, Kisses, Mars, Hudhgens, at maraming marami pang ibang klase ng tsokolate. At sino bang hindi makakalimot bumili ng tanyag na Toblerone? Idagdag mo na rin dito ang ibat-ibang klase ngcookies at tinapay, crackers, waffers, at candies. Ito ang madalas na nasa ibabaw ng balikbayan box sapagkat madali itong matunaw.


2. MGA PLASTIC NA DE-PANGALAN. Oo, tama ang iniisip niyo. Mawawala ba naman ang mga nakaplastic-plastik na pasalubong sa loob ng isang balikbayan box? Malalaman mo kung kanino mapupunta ang naturang plastik na iyon sapagkat meron itong pangalan. Ibig sabihin nito, bago pa man ilipad ng eroplano o dalhin ng barko ang balikbayan box,meron ng nagmamay-ari nito dito sa Pilipinas. At walang pwedeng magbukas nito kundi ang nakapangalan.


Maaaring brand new original rubber shoes (Nike, Adidas, Reebok, etc), original na Rado watches o relo (pwede ring Seiko, Casio, o Aquamarine), original na celfon, original na PSP, original na shades, at iba pang mga ipinagpauna ng ipinabibili ng mga kamag-anak sa pinas. Nangyayari ito lalo na kapag may birthday, graduation, debut, binyag o ano pa mang okasyong hindi ka nabigyan noon ng regalo. Kaya bumawi ka at nagrequest ng gusto mong ipadala sa iyo sa balikbayan box.


3. MGA BAGS, DAMIT, SAPATOS AT MGA PANG-GARUTAY. Habang hinahalukay mo ang kaloob-looban ng balikbayan box mo, maaamoy mo na ang ibat-ibang klase ng mababangong amoy. Pero hindi mo agad ito makikita sapagkat sila ay nakasiksik sa mga bulsa ng mga bag na ipinadala sa iyo. Ito yung mga pabango at panggarutay (make-ups and accessories) na "state-side" na binili ng mga kamag-anak mo sa ukay-ukay sa ibang bansa.


Yung iba naman inipon ng mga kamag-anak mong OFW mula sa mga eroplanong kanilang nasakyan. Hindi nila ito ginagamit sapagkat gusto nila itong ipadala sa iyo. At mapapansin mo din, ang ibang pabango sa sobrang kabanguhan ayaw mo itong gamitin sapagkat baka magka-sinusitis ka. Ang masaklap kapag nasubrahan mong gumamit nito, mangangamoy bombay ka.


Madalas nakadisplay na lang ang mga pabangong ito sa harap ng tokador (mirror) sapagkat magaganda ang mga bote nito. Madalas ka rin makahanap sa loob ng kahon ng mga balat at matitibay na sapatos galing sa ibang bansa. Kasama ng mga ito ang mga bag na may tatak orihinal tulad ngChannel, Dolce and Gabbana, Louis Vitton, at Versace. At madalas hindi nakakalimutang buksan agad ang mga bulsa nito sapagkat maaari itong may lamang alahas, dollar, relo, o pabango.


4. MGA DE LATA, STATE-SIDE COFFEE, GATAS, AT MGA KESO. Ito ang mga dahilan kung bakit mabigat ang isang balikbayan box. Sino bang hindi pa nakakatikim ng tanyag na Spam Corned Beef, Campbells Soup, Imperial Luncheon Meat, Imperial Corned Beef at sausages.


Madalas pinag-aagawan din ng mga matatanda ang mga state-side na kapetulad ng Davidoff, Nescafe (na meron din naman dito sa Pinas), Hills Bros. Coffee, at marami pang iba.Madalas may kasama din gatas at creamer. Kung minsan meron din asukal na bloke-bloke ang disenyo.


Ang pinakapaborito naman ng mga bata (bukod sa mga tsokolate at candies) ay ang mga keso na may ibat-ibang lasa. Meron itong ibat-ibang disenyo, may bilog, parisukat, parihaba at iba pang hugis. Nakakatuwa din ang mga lalagyan ng mga ito at madalas hindi natin ito itinatapon kapag wala na itong laman. Itinatago natin ang mga ito sa ating mga kabinet. Kung hindi man, madalas ginagamit din natin ang mga ito na lalagyan ng kape, asukal, gatas, suka, asin, at kung ano-anu pa.


5. MGA STATE-SIDE NA SABON, TOILETRIES, AT GAMIT SA KUSINA. Sino ba namang makakalimot magpadala ng mga sabon na galing sa ibang bansa. Ang mga ito kasi ay mura doon. Hindi katulad dito sa Pinas na ang mga ito ay napakamahal. Hindi mawawala ang malalaking bote ng Jonhson and Jonhson soaps and shampoes, Dove Soaps, Nivea Soaps, Jergens Soaps, at ang mabangong sabon na Check. Hindi rin mawawala ang malalaking toothpaste na Closeup, Colgate, Pepsodyne, at Sensodyne na mahahalata mong binili talaga sa ibang bansa. Nandyan din ang malalaking bote ng shampoo and conditioners.


6. MGA PAMPAKINIS AT PAMPAGANDA NI ATE. Pinakaaabangan din ng mga nangangarap pumuti, kuminis, gumanda at gumwapo ang mga state-side na lotion, facial wash, moisturizers, toning creams, hand sanitizers, at beauty vitamins. Sikat na ipinapadala ang Dove lotions, Nivea, Jergens, Victoria's Secret, St. Ives, at Ponds. Kung dito mo bibilhin sa Pilipinas ang mga ito, sa halip na gumanda ka, papangit ka sa stress sa sobrang mahal ang presyo.


Madalas ang mga ito ay mga nakasiksik sa gilid-gilid ng balikbayan boxsapagkat hindi pwedeng mapisa ang mga ito. Ito rin ang sanhi ng mabangong halimuyak kapag binuksan ang isang balikbayan box.


7. MGA PANGARAP NA ALAHAS AT ACCESSORIES INAY. Ang mga ito naman ang pinakahihintay na mahalukay ng mga nanay. Hindi mo agad ito makikita sapagkat bukod sa madalas maliit lamang ang sisidlanng mga ito, madalas ito ay isinisiksik kung saan sa loob ng balikbayan box. Maaaring nasa bulsa ng isang bag, nasa bulsa ng isang pantalon o damit, nasa loob ng isang box na malaki na meron pang isang-daang box sa loob, o nakaipit sa isang sobre. Maliliit ang mga ito ngunit ito ang pinaka-aabangan ng mga nanay at tatay...ang pasalubong na alahas para sa kanila.


8. MGA KURTINA AT BEDSHEETS NI INAY. Bukod sa alahas at mga makikinang na bagay, ang mga kurtina at bedsheets naman ang isa sa tunay na nakakapagpasabik sa mga nanay habang hinahalukay ang balikbayan box na ipinadala ng kanilang mga anak na nasa ibang bansa. Mahahalata mo kasi sa isang bahay kung meron silang kasambahay na nasa ibang bansa. Madalas may magaganda, makakapal, makikinang, atmalalapad na kurtina ang mga bintana at pintuan ng mga bahay na ganito. Kung papalarin kang pumasok sa kanilang silid-tulugan,mapapansin mo ang magara at malapad na king-size bedsheets sa kanilang mga higaan.


9. MGA ORIHINAL NA LARUAN NI JUNIOR! Ang remote controlled cars at mga "talking and walking robots" na yata ang pinakasikat na pasalubong sa mga batang lalaki na may mga magulang o kapatid sa ibang bansa. Barbie dolls at Brat dolls naman para sa mga batang babae.Kung hindi man, mga malalaki at supercute stuff toys tulad nila Hello Kitty, Tweety Bird, Garfield, Elmo at Olive. Mawawala ba naman ang mga maliliit na Marvel Heroes at mga tau-tauhang laruan?


Sa panahon ngayon, medyo demanding na mga bata. Madalas ayaw na nila ang pangkaraniwang laruan tulad ng maliliit na kotse, manika at mga toys accessories. Ang gusto na ng mga bata ngayon ay ang mgamamahaling laruan tulad ng PSP, Wii, Nintendo, PS5, MP4 with Games at iba pang modernong laruan. Ang mga nagbibinata naman, gusto nila ng bagong cellphone, mp3/mp4, iPod, relo, at laptops. Kaya hindi nakapagtataka kung meron ka ding mahalukay na mga ganito sa loob ng balikbayan box.


10. MGA APPLIANCES NA PINAGKASYA SA KAHON. Kung pwede lang ipadala ng mga OFW ang lahat ng klase ng appliances na meron sila sa ibang bansa, ipapadala nila ito sa Pilipinas. Ang mga madalas na ipadala ay TV, LCD, laptops, Mini-Component, Microwave Oven, Heaters, Grillers at marami pang appliances na pinagkasya sa loob ng balikbayan box. Kung pwede lang maglagay ng ref, washing machine, aircon, at gas and electric range gagawin din nila.


Mapapansin mo ang mga appliances na galing sa ibang bansa. Una, sa itsura ng saksakan ng mga ito. Ang mga ito ay madalas may tatlong panusok sa kuryente o saksakan. Pangalawa, sa boltahe ng kuryente. Kapag ang appliances ay galing sa Amerika, ang mga ito ay may 110 na boltahe. Madalas ang mga ito ay pumuputok kapag ginamit na dito sa Pinas na may 220v na saksakan. Pangatlo, sa brand, pangalan, o tatak ng appliances. Kung Made in Kuwait, o USA, o Singapore, o Finland ang mga ito, tiyak orihinal itong binili sa ibang bansa. Pero kung Made in China ito, malamang binili yun sa ukay-ukay o di kaya sa mga tiangge sa ibang bansa .


Ang balikbayan box na nga siguro ang simbolo ng isang manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Ito ay naglalarawan ng ibat-ibang pangarap na umunlad at guminhawa ang pamumuhay. Ito rin ay sumasagisag sa ugali ng bawat Pinoy na mahilig pa rin sa state-side na mga kagamitan. Makikita mo rin sa loob ng isang balikbayan box ang bawat pagsasakit at pagsisikap ng bawat manggagawang Pilipino. Ito ang nagkukubli sa kanilang mga kalungkutan at ligaya, sa kanilang hirap at ginhawa, sa kanilang hapis at mga pag-asa.


Tunay, ang balikbayan box madalas nagkukubli at nagtatago ng tunay na kalagayan at buhay ng mga kababayan nating OFW sa ibang bansa.

1 Comment

  1. Anonymous Says,

    salamat naman at hindi nawawala ang toblerone sa laman ng mga balikbayan box! invite ko lang po kayo sa bagong website ng toblerone pilipinas: www.toblerone.com.ph daan po kayo! salamat!

     

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit