Bobo nga ba sa pag-ibig ang matatalino?

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Wednesday, September 16, 2009



Bobo nga ba sa pag-ibig ang mga taong matatalino?

Una sa lahat, hindi ako mag-aastang ako ang pinagpala ng Diyos na may hawak sa kasagutan ng nasabing tanong. Pangalawa, hindi ako ganun katalino para sabihing ako ay bobo sa pag-ibig. Pangatlo, ang mga sasabihin ko ay sarili ko lamang pananaw at maaring tama at maaari ding mali sa pananaw ng mga nagbabasa nito.

Batay sa aking personal na karanasan, likas sa mga matatalinong tao sa isang relasyon na ibigay ang lahat ng kaya nila at lahat ng meron sila sapagkat naniniwala sila na ang pag-ibig ay parang pangarap na maaabot sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang tinatawag na "best of my abilities". Ito ay ginagawa ng matatalinong tao sapagkat nasanay sila sa ganitong pananaw. Inaakala nila na ang pag-ibig ay parang isang hanapbuhay na magiging "job well done" kapag nasa ayos ang lahat.

Sa tingin ninyo tama kaya ang pananaw na ganito? Tama ba na ang isang relasyon ay may sinusunod na tugma at galaw? Hindi kaya dito lumalabas ang katagang bobo ang matatalino pagdating sa pag-ibig sapagkat naglalaan sila ng sobra at hindi sila nagtitira para sa kanilang sarili? Na sila rin ang talo sa huli kapag hindi rin naging successful yung relationship sapagkat ito ay naging matabang dahil sa routinary procedures ng matatalinong tao?

Ngunit sa tingin ko, hindi pa rin magiging ganoon kasakit sa isang matalino ang pagkawala ng isang relationship kahit ibinigay niya ang lahat. Bakit? Sapagkat ang nakakasakit sa isang matalinong tao, ay hindi ang pagkawala ng kanyang minamahal, kundi ang katotohanang hindi niya naibigay ang lahat para sa kanyang relationship. Kumbaga e, "he was fired from the job because he is not getting any improvement at all". Mas mabigat para sa isang matalinong tao ang pagsisisi na hindi niya naibigay lahat para sa isang relationship kaysa isiping nasira ang relationship dahil sa matabang na ito. Kung gayon, kapag alam ng isang matalinong tao na ibinigay niya lahat para kanilang relationship, (based on his own thinking and ideals in life), naging matabang man ito whatsoever, hindi magiging ganoon kabigat sa kanya ang pagkawala ng isang relationship.

Kung gayon bakit sila tinatawag na bobo pagdating sa relationship?

Una, sapagkat nabubuhay sila sa tugma at galaw (standards). Hindi nila talos sa kanilang isipan na ang isang relasyon ay walang sinusunod na tamang tugma at galaw. They know joy, but they dont know fun! Sapagkat kapag nilagyan ng konkretong tugma at galaw ang isang relationship, mawawalan ito ng lasa. Samakatuwid, isa itong relationship na parang kape na walang creamer at asukal. Ang relationship ay dapat punong puno ng kasabikan at may silid sa paghanap sa tunay na sarili.

Pangalawa, nabubuhay sila sa pinakamataas na lebel ng ekspektasyon. Kumbaga e, there is no room for mistakes! They view a relationship as a perfect form of their idealism. Hindi nila talos na ang pagkakaroon ng pagkakamali sa isang relationship ang unang paraan upang mas lalong tumamis ang pagsasama. Isipin mo na lang ang lasa ng isang relationship ng dalawang matalinong tao kung saan nakakulong sila sa ekspektasyon ng bawat isa.

Pangatlo, the mind is not the heart, but the heart oftentimes dictates the mind. Sa maikling sabi, minsan hindi nakakakuha ang isang matalinong tao ng isang matalinong pagdedesisyon para maging matamis ang pagsasama sapagkat madalas nitong ginagamit ang lohikal na pag-iisip. Ang lohikal na pag-iisip ay madalas hindi kasundo ng emotional na pakiramdam. Sabi nila, ang isip maaaring magsinungaling pero hindi ang puso. Kung gayon, kung ang isang matalinong tao ay gumagamit ng kanyang utak para buhayin ang isang relationship, sa kalaunan ito ay magiging matabang. Sapagkat ang pag-ibig ay hindi gawa ng isip kundi ng pakiramdam.

Dito nagiging bobo ang matatalino sapagkat hindi nila mapagtugma kung ano ang pagkakaiba ng isip at puso. Hindi nila alam kung kailan dapat gamitin ang utak at kung kailan dapat gamitin ang puso. Sapagkat sabi nila, ang utak daw ay nasa taas ng puso, samakatuwid, mas dapat itong mangibabaw.

Tama marahil, pero dapat nating tandaan na hindi ang utak ang pangunahing ginamit ni Jesus upang iligtas ang buong mundo sa kasalanan kundi ang kanyang puso. Sapagkat kung ginamit ni Jesus ang kanyang lohika upang iligtas ang mundo sa kaparusahan, marahil wala ni kailanman ang taong maliligtas. Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at ayon sa lohika, ang taong nagkasala ay dapat lamang parusahan.

Muli, ito ay aking pananaw lamang. Ikaw, ano sa palagay mo?

0 comments

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit