Paalala: Ang mga sumusunod na akda ay naglalaman ng mga sanaysay na maaaring makaapekto sa pag-iisip ng mambabasa. Naglalaman ito ng mga GARANTISADONG PARAAN UPANG SIRAIN ANG ISANG RELATIONSHIP.
Ooopsss! I know what you are thinking! I am such a bitter! Right? You are wrong! Sabi nga, you dont judge the book, you cover it. Anyway, dont be misled by the exaggerated title. Read on...
Paalala ulit: Bago mo basahin ang artikulong ito, siguraduhing nasa tamang edad ka upang maunawaan ang mga sensitibong bagay. Kung hindi, maaari kang pumili ng ibang mga artikulo na tugma sa iyong edad. Kung nasa tamang edad ka naman, magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Eto na...
Kadalasan mahirap sa isang relationship ang panatilihin itong matatag. Sa una, dahil sa lubos na sabik sa isat-isa ang dalawang umiibig, ang pagsasama ay wari baga ay parang isang pure honey na lintik naman sa tamis (yung tipong nilalanggam pa!). Ngunit sa kalaunan, ika nga e ang honey ay nauubos din!
Sa madalas na pagkakataon, ang pinakamahirap na gawin ng bawat magsing-irog ay baguhin ang paulit-ulit na pagkakamali sapagkat nakasanayan na nila ang gumawa ng
isang bagay na di nila akalaing makakasira sa kanilang relationship. Sa mga nabasa kong pagsusuri ng mga eksperto sa pagsasama (relationship of lovers) ang mga nakasulat sa ibaba ang mga paraan upang sirain ang isang relationship.
Isang babala: Tanging nasa kamay ng bumabasa nito ngayon kung ang mga sumusunod na paghahayag ay gagamitin sa tama o sa mali.
IPAGPILITAN NA IKAW DAPAT LAGI ANG TAMA. Ito yung sitwasyong hindi ka tumatanggap ng anumang paliwanag at ipinagpipilitan mong ikaw lang ang nakakaalam ng kung ano ang tama at kung ano ang mali kahit wala ka naman makatwirang dahilan, ebidensiya, at basehan sa iyong ipinaparatang.
HUWAG NA HUWAG KANG MAGSO-SORRY. Kahit anong mangyari, even if you were proven guilty beyond reasonable doubt, huwag na huwag kang hihingi ng tawad. Katulad ng nasa itaas, ipagpilitan mong ikaw pa rin ang tama.
MAGMATAAS LALO KAPAG NAPATUNAYAN MONG IKAW ANG TAMA. Be relentless in rubbing it, ika nga. Paulit-ulit mong sabihin sa kasintahan o asawa mo na "O kita mo na, AKO ANG TAMA, IKAW ANG MALI" kahit naiirita na ito sa iyo. At lalo mo pang dagdagan na di naman talaga siya kailanman naging tama.
UMASTANG MAS ALAM MO PA ANG GUSTO NIYA KAYSA SA KANYA. Ito yung tipong umasta ka na parang ikaw lang nakakaalam ng lahat ng gusto ng kasintahan o asawa mo. Na ikaw lang makakapagsabi kung magiging masaya siya sa isang bagay.
MAG-AKALA NA ALAM NG KASAMA MO ANG LAHAT NG INIISIP AT NARARAMDAMAN MO KAHIT DI MO ITO SINASABI KANYA. Mag-assume to the max! Mag-akala ka na isang "mind-reader" ang kasintahan o asawa mo at mag-assume na alam niya lahat ng nasa utak mo. At kapag nagkamali siya sa iniisip mo, take it personally at gamitin ito laban sa kanya.
NEVER KANG MAKINIG SA PRIORIDAD SA BUHAY NG PARTNER MO. Ipagwalang-bahala ang mga layunin niya sa buhay at ipagpilitan na ang mga layunin mo ang mas importante sa lahat at dapat itong matupad.
MAG-AKALA NA PAREHAS KAYO NG PAKIRAMDAM NG PARTNER MO PAGDATING SA SEX. Mag-akala na pag-aari mo ang katawan ng kasama mo. Ibig sabihin kapag gusto mo makipagtalik dapat ganun din siya, kahit di niya gusto o wala siya sa mood. Sa ganitong paraan maihahayag mo ang iyong kapangyarihan sa kanya.
KAPAG NASAKTAN KA, MAGALIT KAAGAD. Sa ingles, do not admit hurt, but go immediately to the expression of anger! Huwag ng magpatumpik tumpik pa, ito na ang pagkakataon mo na mag-astang ikaw na naman ang tama, kasi ikaw ang nasaktan.
KUMALAP NG MASASAMANG BALITA TUNGKOL SA PAMILYA NIYA AT GAMITIN ITO LABAN SA KANYA. Ang pinakamabisang paraan upang magsimula ng isang away ay isama sa pagtatalo ang tungkol sa pamilya.
MAGING ALERTO SA LAHAT NG PAGKAKAMALI NG NIYA. Mag-astang isang abogado sa pagkakalap ng "flaws" laban sa kasintahan o asawa mo. Ngunit kapag nakita mo siyang nakagawa ng tama, huwag magbibigay ng papuri sapagkat baka lumaki ulo niya.
HUWAG NA HUWAG SUMUKO SA PAKIKIPAGTALO. Huwag hahayaang matapos ang pagtatalo hanggat hindi nagwo-walkout ang partner mo. Kapag lumayas siya sa gitna ng inyong pagtatalo,sundan ito at ipagpatuloy ang pakikipag-away. Mas maganda kung hihiyain mo siya sa publiko.
HUWAG NA HUWAG KALIMUTAN ANG GALIT MO. Dont let go of the past, ika nga. Mag-ipon ka ng sama ng loob at laging ilabas ang mga ito kapag nagtatalo kayong dalawa.
GAMITIN ANG PAGBABANTA UPANG SUNDIN KA NIYA. Magbanta ka na magpapakamatay kapag hindi sinunod ang gusto mong mangyari. Mas lalo itong magiging kapaki-pakinabang sa iyo kapag alam na alam mong mahal na mahal ka ng partner mo. Samantalahin itong mainam!
KAPAG NANLALAMIG NA SIYA SA SEX, BIGYAN ITO NG IBANG KAHULUGAN. Mag-akala na kapag nanlalamig na ang partner mo sa iyo sa pakikipagtalik meron itong ibang kinakatagpo. Mag-isip ng sobra at paghinalaan mo siya kaagad. Pagbintangan mo siya na nangingibang-ilog at nilalagyan ng ipot ang ulo mo.
HUWAG NA HUWAG MAGPAPAKITA NG PAGPAPAHALAGA SA KANYA AT SA LAHAT NG GINAGAWA NIYA PARA SA IYO. Ito ang pinakamabisang paraan upang makakuha ng dahilan na wala ng tamis ang relationship niyo. Huwag magpapakita ng anumang pagpapahalaga sa partner mo. Take her/him for granted, ika nga.
MAKE PROMISES, BUT BE SURE TO BREAK THEM. Pwedeng-pwede mong gamitin ang katagang "Promises are made to be broken" kapag meron kang hindi natupad na pangako. At maggalit-galitan kapag hindi mo ito nasunod para walang dahilan ang partner mo upang magreklamo.
MAG-ALA HITLER O MARCOS. Maging diktador! Always make excuses for your bad habits. Insist that what you have to say is always important than what your partner is saying, so interrupt! Always make your point as an authority even if its wrong and destructive.
DONT ACCEPT CHANGES, LET HER/HIM DO THE CHANGE. Huwag na huwag mong papaibabawan ang iyong ego. Huwag tatanggap ng pagbabago sa sarili mo. E sa ganyan ka talaga. Dapat siya ang magbago para sa iyo kung talagang mahal ka niya.
Whew! Di ko kinaya yun! Habang isinusulat ko ang blog na ito, para akong papasukan ng demonyo sa kawalang katarungan ang pag-uugali ng nasabing tao na gumagawa nito.
Muli, hindi ko isinulat ang akdang ito upang gamitin ng mambabasa sa maling paraan. Do the said ways on the reverse side of the coin. Minsan kasi, mas tumatatak sa isip ng isang tao ang tamang pagsasagawa ng isang bagay kung ito ay ipinapaliwanag sa isang maling sitwasyon. Sapagkat sa pamamagitan nito, nasasakupan ang abilidad ng isang tao upang mag-isip at magdesisyon sa isang sitwasyon at bagay na alam niyang mali.

0 comments