10 Sulat na AYAW matanggap ng mga OFW

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Monday, October 12, 2009

Ayoko sanang isulat ang mga ito sapagkat ayokong malungkot at masaktan sa anumang paraan ang mga kababayan nating
mga OFW sa ibang bansa. Ngunit dahil sa ang mga ito naman ay totoong nangyayari, minarapat kong isulat pa rin sapagkat
alam kong makaka-relate ang ating mga kababayan dito kahit ang mga ito ay medyo may kunting kurot sa puso.
Ang mga balitang ito ay maaaring matanggap ng ating mga kababayang OFW mula sa mga kamag-anak nila dito sa Pinas sa
ibat-ibang paraan tulad ng sulat, text message, tawag sa celfon, email at iba pang paraang pang-komunikasyon.
1. Dear anak,
Anak, ayoko na sanang sabihin sa iyo to dahil ayokong mag-alala ka. Pero ninenerbyos na rin ako sa kalagayan ng anak mo.
Hindi bumababa ang lagnat niya. Kahapon lang, ang sigla-sigla naman nilang naglalaro ng mga kaibigan niyang bata. Pero
ngayon ang taas na ng lagnat niya. Gusto ko sana siyang itakbo ngayon sa hospital kaso gabing-gabi na at wala ng mahingan
ng tulong. Ang lakas pa ng ulan sa labas. Pero wag kang mag-alala babantayan ko siya buong gabi at pansamantalang
lulunasan ang lagnat niya. Bukas na bukas itatakbo ko siya sa doctor. Mag-ingat ka diyan anak ha?
2. Dear ma,
Alam niyo na siguro ang nangyari dito sa Pilipinas nitong mga nakaraang araw. Sa kasamaang palad ma, nadamay ang ating
bahay sa baha na dala ni Ondoy. Nagiba ang ating bahay ma. Mabuti na lang at ligtas kami nila papa. Si bunso muntikang
malunod sa baha at maanod ng tubig. Buti na lang at nailigtas siya ni papa.
Wala kaming nailigtas sa mga gamit natin ma. Ang mga binili ninyong mga appliances at mga gamit nasira lahat. Pati mga
damit namin naanod sa malakas na anod ng tubig. Pasalamat na lamang kami at buhay kaming lahat ng mga kapatid ko pati
na si papa. Nandito kami ngayon sa evacuation area ma. Sana makapagpadala kayo agad na magagamit namin.
3. Dear ma,
Ma, sana nasa maayos kayong kalagayan ngayon diyan. Kami ng mga kapatid ko ok naman kami dito. Ma, ayoko sanang
sabihin sa inyo ito kasi alam ko masasaktan kayo at sobrang mag-aalala sa amin. Pero hindi ko na kayang itago ang lahat
ma. SI PAPA, NAGUUWI PO NG BABAE DITO SA BAHAY. Magkatabi po sila sa pagtulog. Sabi niya sa amin, huwag daw
kaming magsusumbong sa inyo kundi sasaktan daw niya kaming lahat na magkakapatid.
Minsan hindi rin po siya umuuwi ng bahay at minsan hindi kami nakakakain kasi hindi siya nag-iiwan ng perang pambili ng
pagkain namin. Madalas po namin siya nakikita pumupunta sa beerhouse sa may kanto at doon may mga kasama siyang
babae. Doon niya inuubos ang perang pinapadala niyo sa kanya. Nagsisinungaling siya pag sinasabi niya sa inyo na
nakakapasok pa sa school si bunso tsaka si nene. Pinatigil na niya sila kasi wala daw pera. Ako na lang ang pumapasok ma,
hindi ko sinasabi sa inyo na nagwoworking student na ako. Ipinangsusugal din ni papa yung mga pinapadala niyo.
Ma, wag niyo sasabihin kay papa na sinabi ko sa inyo ito ha? Papaluin niya kami pag nalaman niya. Ingat kayo lagi diyan ma.
Miss na miss na namin kayo.
4. Dear Pa,
Kamusta ka na diyan? Ok ka lang ba? Kami hindi kami ok dito. Lagi na lang nag-aaway mga bata. Hindi ko na alam kong
paano sila didisiplinahin. Hindi sila nakikinig sa akin. Yung panganay mo, madalas ng hindi umuuwi ng bahay. Laging
nakikitulog sa mga kabarkada niyang lasenggo. Madalas umuwi na amoy alak. Si Nene naman, lagi din late kung umuwi ng
bahay. Puros barkada inaatupag nila. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa mga anak natin.
5. Dear Ma,
Ma, meron sana akong ipagtatapat sa inyo. Pero ma, huwag sana kayong magagalit ha? Ma, BUNTIS AKO. Dalawang buwan
na akong walang dalaw. Ayokong sabihin kay papa kasi baka bugbugin niya ako eh. Ma, anong gagawin ko?
6. Dear ate,
Te, nahihiya ako sa iyo. Alam kong ilang beses na itong nangyari at lagi mo akong binibigyan ng chance. Pero hindi ako
nag-iimprove. TE BAGSAK NA NAMAN AKO! Kailangan ko na namang ulitin yung subject. Ang laki na ng gastos mo sa akin.
Te, hindi na daw ako pwede sa course ko sabi ng guidance center, hindi na ako pasado sa cut-off, ibig sabihin kailangan ko na
daw kumuha ng ibang kurso na kaya ko. Pasensya ka na te! Sorry talaga!
7. Dear ma,
Hindi ko na kaya ang ginagawa sa amin ni papa. Lagi na lang niya kaming binubugbog at sinasaktan! Kunting pagkakamali
lang namin suntok at palo na agad ang ibinibigay sa amin. Si bunso halos patayin ni papa sa bugbog dahil babakla-bakla daw.
Ma, ang masakit pa hindi lang bugbog ang inaabot namin kay papa. Ma ayoko sanang sabihin ito pero hindi ko na talaga
kayang pagtakpan si papa. Sinasabi namin sa inyo na maayos kami dito pero ang totoo impiyerno ang nararanasan namin dito
araw-araw. Ma, si papa mimolestya niya ako. Halos gabi-gabi niya akong pinagsasamantalahan. Wala akong magawa kasi
alam ko bubugbugin niya ako pag di ako pumayag. Ang ikinatatakot ko ma, dalawang buwan na akong hindi nagkakamens.
Ma, hindi ko na alam ang gagawin ko.
8. Dear anak,
Ikinalulungkot kong ibalita sa iyo na nitong mga nagdaang buwan, hindi naging maganda ang takbo ng ating negosyo. Naging
matumal ang benta natin. Sinasabayan pa ng mataas na bayad sa mga bilihin. Mas mataas ang gastusin ng negosyo kaysa
sa kinikita natin. Dala ito marahil ng krisis sa buong bansa. Ano kaya anak kung isara na natin ang negosyo?
Malapit na ring hilain ng bangko ang ating negosyo kasi hindi na tayo nakakabayad ng ating utang sa kanila ng ilang buwan.
Alam kong sa iyo lang nanggagaling ang puhunan ng ating negosyo kaya sa iyo lang talaga ako umaasa. Kung may
magagawa lang ako para tulungan ka, pero wala akong kayang maibigay kasi sayo lang din naman nanggagaling ang mga
ginagamit namin dito.
9. Mga kababayang kong OFW,
Alam kong hindi nararapat na humingi sa inyo ng tulong pinansyal sapagkat alam kong mahirap din ang kalagayan ninyo.
Ngunit ang ating pamahalaan ay ginagawa lahat ng paraan upang makapagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating
nasalanta ng bagyong ONDOY at PEPENG. Halos ang buong Luzon ay nangangailangan ngayon ng tulong mula sa mga
kababayan nating mapalad na hindi nasalanta ng kalamidad.
Kaugnay nito, nais naming lumapit sa inyo upang manawagan ng anumang tulong na pwede ninyon ibigay sa ating mga
nagugutom at naghihirap na mga kababayan. Maaaring ang iba sa kanila ay mga kamag-anak din ninyo o maaaring mga
pamilya pa ninyo mismo. Ang anumang tulong na pwede ninyong ibigay ay ihatid lamang sa ating mga embahada.
Maraming salamat sa inyong pagtulong.
10. Dear anak,
Hindi pa ba kayo sumasahod? Kailan ka ba magpapadala? Anak, ubos na rin yung huli mong ipinadala. Hindi pa tayo
nakakabayad ng kuryente at tubig. Sa lunes, magpuputol na sila kung hindi pa tayo makakabayad sa linggo. Wala na rin
kaming makain, nahihiya na akong umutang sa may tindahan kasi may utang pa tayo dun na hindi nababayaran. Yung bayad
pa pala sa renta ng bahay. Ano ba yan, patung-patong na ang problema natin. Ang tataas pa ng presyo ng bilihin dito sa Pinas!

sulatAyoko sanang isulat ang mga ito sapagkat ayokong malungkot at masaktan sa anumang paraan ang mga kababayan nating mga OFW sa ibang bansa. Ngunit dahil sa ang mga ito naman ay totoong nangyayari, minarapat kong isulat pa rin sapagkat alam kong makaka-relate ang ating mga kababayan dito kahit ang mga ito ay medyo may kunting kurot sa puso.


Ang mga balitang ito ay maaaring matanggap ng ating mga kababayang OFW mula sa mga kamag-anak nila dito sa Pinas sa ibat-ibang paraan tulad ngsulat, text message, tawag sa celfon, email at iba pang paraang pang-komunikasyon.


1. Dear anak,
Anak, ayoko na sanang sabihin sa iyo to dahil ayokong mag-alala ka. Pero ninenerbyos na rin ako sa kalagayan ng anak mo. Hindi bumababa ang lagnat niya. Kahapon lang, ang sigla-sigla naman nilang naglalaro ng mga kaibigan niyang bata. Pero ngayon ang taas na ng lagnat niya. Gusto ko sana siyang itakbo ngayon sa hospital kaso gabing-gabi na at wala ng mahingan ng tulong. Ang lakas pa ng ulan sa labas. Pero wag kang mag-alala babantayan ko siya buong gabi at pansamantalang lulunasan ang lagnat niya. Bukas na bukas itatakbo ko siya sa doctor. Mag-ingat ka diyan anak ha?


2. Dear ma,
Alam niyo na siguro ang nangyari dito sa Pilipinas nitong mga nakaraang araw. Sa kasamaang palad ma, nadamay ang ating bahay sa baha na dala ni Ondoy. Nagiba ang ating bahay ma. Mabuti na lang at ligtas kami nila papa. Si bunso muntikang malunod sa baha at maanod ng tubig. Buti na lang at nailigtas siya ni papa.

Wala kaming nailigtas sa mga gamit natin ma. Ang mga binili ninyong mga appliances at mga gamit nasira lahat. Pati mga damit namin naanod sa malakas na anod ng tubig. Pasalamat na lamang kami at buhay kaming lahat ng mga kapatid ko pati na si papa. Nandito kami ngayon sa evacuation area ma. Sana makapagpadala kayo agad ng magagamit namin.


3. Dear ma,
Ma, sana nasa maayos kayong kalagayan ngayon diyan. Ma, ayoko sanang sabihin sa inyo ito kasi alam ko masasaktan kayo at sobrang mag-aalala sa amin. Pero hindi ko na kayang itago ang lahat ma. SI PAPA, NAGUUWI PO NG BABAE DITO SA BAHAY. Magkatabi po sila sa pagtulog. Sabi niya sa amin, huwag daw kaming magsusumbong sa inyo kundi sasaktan daw niya kaming lahat na magkakapatid.

Minsan hindi rin po siya umuuwi ng bahay at minsan hindi kami nakakakain kasi hindi siya nag-iiwan ng perang pambili ng pagkain namin. Madalas po namin siya nakikita pumupunta sa beerhouse sa may kanto at doon may mga kasama siyang babae. Doon niya inuubos ang perang pinapadala niyo sa kanya.

Nagsisinungaling siya pag sinasabi niya sa inyo na nakakapasok pa sa school si bunso tsaka si nene. Pinatigil na niya sila kasi wala daw pera. Ako na lang ang pumapasok ma, hindi ko sinasabi sa inyo na nagwoworking student na ako. Ipinangsusugal din ni papa yung mga pinapadala niyo.

Ma, wag niyo sasabihin kay papa na sinabi ko sa inyo ito ha? Papaluin niya kami pag nalaman niya. Ingat kayo lagi diyan ma.

Miss na miss na namin kayo.


4. Dear Pa,
Kamusta ka na diyan? Ok ka lang ba? Kami hindi kami ok dito. Lagi na lang nag-aaway ang mga bata. Hindi ko na alam kong paano siladidisiplinahin. Hindi sila nakikinig sa akin. Yung panganay mo, madalas hindi umuuwi ng bahay. Laging nakikitulog sa mga kabarkada niyang lasenggo. Madalas umuwi na amoy alak. Si Nene naman, lagi din late kung umuwi ng bahay. Puros barkada inaatupag nila. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa mga anak natin. Minsan gusto na kitang pauwiin dito.


5. Dear Ma,
Ma, meron sana akong ipagtatapat sa inyo. Pero ma, huwag sana kayong magagalit ha? Ma, BUNTIS AKO. Dalawang buwan na akong walang dalaw. Ayokong sabihin kay papa kasi baka bugbugin niya ako eh. Ma, anong gagawin ko?


6. Dear ate,
Te, nahihiya ako sa iyo. Alam kong ilang beses na itong nangyari at lagi mo akong binibigyan ng chance. Pero hindi ako nag-iimprove. TE BAGSAK NA NAMAN AKO! Kailangan ko na namang ulitin yung subject. Ang laki na ng gastos mo sa akin. Te, hindi na daw ako pwede sa course ko sabi ng guidance center, hindi na ako pasado sa cut-off, ibig sabihin kailangan ko na daw kumuha ng ibang kurso na kaya ko. Pasensya ka na te! Sorry talaga!


7. Dear ma,
Hindi ko na kaya ang ginagawa sa amin ni papa. Lagi na lang niya kaming binubugbog at sinasaktan! Kunting pagkakamali lang namin suntok at palo na agad ang ibinibigay sa amin. Si bunso halos patayin ni papa sa bugbog dahil babakla-bakla daw.

Ma, ang masakit pa hindi lang bugbog ang inaabot namin kay papa. Ma, ayoko sanang sabihin ito pero hindi ko na talaga kayang pagtakpan si papa. Sinasabi namin sa inyo na maayos kami dito pero ang totoo impiyerno ang nararanasan namin dito araw-araw. Ma, si papa minomolestya niya ako.Halos gabi-gabi niya akong pinagsasamantalahan. Wala akong magawa kasi alam ko bubugbugin niya ako pag di ako pumayag. Ang ikinatatakot ko ma, dalawang buwan na akong hindi nagkakamens. Ma, hindi ko na alam ang gagawin ko.


8. Dear anak,
Ikinalulungkot kong ibalita sa iyo na nitong mga nagdaang buwan, hindi naging maganda ang takbo ng ating negosyo. Naging matumal ang benta natin. Sinasabayan pa ng mataas na bayad sa mga bilihin. Mas mataas ang gastusin ng negosyo kaysa sa kinikita natin. Dala ito marahil ng krisis sa buong bansa. Ano kaya anak kung isara na natin ang negosyo?

Malapit na ring hilain ng bangko ang ating negosyo kasi hindi na tayo nakakabayad ng ating mga utang sa kanila ng ilang buwan. Alam kong sa iyo lang nanggagaling ang puhunan ng ating negosyo kaya sa iyo lang talaga ako umaasa. Kung may magagawa lang ako para tulungan ka, pero wala akong kayang maibigay kasi sayo lang din naman nanggagaling ang mga ginagamit namin dito.


9. Mga kababayang kong OFW,
Alam kong hindi nararapat na humingi sa inyo ng tulong pinansyal sapagkat alam kong mahirap din ang kalagayan ninyo. Ngunit ang ating pamahalaan ay ginagawa lahat ng paraan upang makapagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong ONDOY at PEPENG. Halos ang buong Luzon ay nangangailangan ngayon ng tulong mula sa mga kababayan nating mapalad na hindi nasalanta ng kalamidad.

Kaugnay nito, nais naming lumapit sa inyo upang manawagan ng anumang tulong na pwede ninyong ibigay sa ating mga nagugutom at naghihirapna mga kababayan. Maaaring ang iba sa kanila ay mga kamag-anak din ninyo o maaaring mga pamilya pa ninyo mismo. Ang anumang tulong na pwede ninyong ibigay ay ihatid lamang sa ating mga embahada.

Maraming salamat sa inyong pagtulong.


10. Dear anak,
Hindi pa ba kayo sumasahod? Kailan ka ba magpapadala? Anak, ubos na rin yung huli mong ipinadala. Hindi pa tayo nakakabayad ng kuryente at tubig. Sa lunes, magpuputol na sila kung hindi pa tayo makakabayad sa linggo. Wala na rin kaming makain, nahihiya na akong umutang sa may tindahankasi may utang pa tayo dun na hindi nababayaran. Yung bayad pa pala sa renta ng bahay. Ubos na rin pala gatas ng anak mo. Wala na rin siyangdiaper. May kunting sinat pa siya ngayon. Ano ba yan, patung-patong na ang problema natin. Ang tataas pa ng presyo ng bilihin dito sa Pinas!

0 comments

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit