10 Sulat na GUSTONG matanggap ng mga OFW

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Monday, October 12, 2009


Sulat 11. Dear anak,
Awa ng Diyos anak, maayos naman kami dito sa Pinas. Nga pala anak malapit na matapos itong bahay na ipinapagawa mo. Pag-uwi mo dito sa Pinas, meron kang makikitang napuntahan ng pinaghirapan mo diyan sa Saudi. Unti-unti ay napagawa na rin natin itong dream house mo. Ipinundar ko talaga dito lahat ng ipinapadala mo sapagkat alam ko kung gaano kahirap ang trabaho mo diyan.

Kapag natapos na yung kontrata mo diyan sa Saudi, meron kang bahay na matutuluyan at mauuwian. Ipinundar ko mabuti ang mga ipinapadala mo kasi alam ko na hindi pamalagian ang trabaho sa ibang bansa. Ayoko na masayang ang mga pinagpaguran mo. Nga pala, yung sobra sa ipinadala mo, idineposito ko muna sa bangko para maipon at pagbalik mo dito meron kang magagamit pangnegosyo. Salamat din pala sa ibinigay mong puhunan sa akin para sa aking maliit na tindahan. Maganda ang benta mula ng binuksan itong tindahan natin.

Ingat ka lagi diyan anak ha? Miss ka na namin.


2. Dear ate,
Yehey ate pasado ako sa mga exams ko! Matataas mga nakuha kong scores sa final exam ko te! Sa wakas, makakagraduate na rin ako this october! Ate, hindi nasayang yung pinagpaguran mo. Te, makakauwi ka ba sa graduation ko? Gusto ko sana ikaw ang magsabit ng medalya ko kasi Cum Laude ako te! Sana makauwi ka, pasalubong ha? Lub yu te!


3. Dear mama,
Kamusta na kayo diyan sa Saudi? Kami nila papa ok naman kami dito. Si papa ang nagaasikaso sa aming magkakapatid. Ang bait-bait ni papa ma. Maaga siya gumigising sa umaga upang ipaghanda kami ng baon sa school. Paggising namin sa umaga, nakahain na yung pagkain naming magkakapatid. Nakahanda na rin yung pampaligo ni bunso.

Tinutulungan din namin si papa paguwi namin mula sa school. Si nene ang namamalantsa ng mga damit namin pampasok. Si bunso naman, siya tagahugas ng plato. Tinuturuan na rin ni papa na magluto para matuto siya.

Nga pala ma, first honor ako ngayon sa school. Si bunso pala, Best in mathtsaka science. Si nene naman Best in Filipino and History. Ang gagaling ng mga anak niyo ma, manang-mana kami sa inyo ni papa. Ingat kayo lagi diyan ma ha? Miss na miss na namin kayo.


4. Dear pa,
Kamusta ka na diyan sa Amerika? Taglamig na diyan ngayon ah. Meron ka bang nagagamit na jacket na makapal? Alagaan mo sarili mo ha? Bili ka ng makakapal na pangginaw para di ka magkasakit. Meron ka bang mga vitamins diyan? Huwag mo kakalimutang uminom ha para malakas ka. Ok naman kami ng mga bata dito sa Pinas. Eto tulog na sila habang ginagawa ko itong sulat ko sa iyo. Maayos naman silang magkakapatid. Hindi sila nag-aaway, lagi lang sila nagkukulitan kaya ang ingay lagi dito sa loob ng bahay. Pero ok lang kasi masaya sila lagi. Matataas nga mga grado nila sa school eh.

Pa, miss na miss na kita. Lagi kitang naaalala tuwing gabi. Sana ikaw ang aking kayakap ngayon. Sana ikaw din, ako ang kayakap mo diyan. Nasasabik na ako sa paguwi mo. I love you pa.


5.Dear sir,
We would like to inform you that we have achieved our goal for the first quarter of the year. Our sales increased by 15% for the month of January compared to last year's sales for this period which was only 7.5%. We would also want to tell you that our expansion project in Davao is 90% complete and we settled to open our new branch on the first week of June. We look forward for your presence in our opening ceremony. Godbless and More power Mr. President.


6. Dear Ate,
Congrats! Wow ang galing-galing talaga ng ate ko. Parang kailan lang nung ordinaryong cashier ka lang sa kompanya niyo. After one year lang naging supervisor ka na agad. Hindi nagtagal naging assistant branch manager ka naman. At ngayon, Branch Manager ka na! Wow! We are so proud of you ate! Ang galing-galing mo talaga. Lagi ka namin isinasama sa aming panalangin te. Ingat ka lagi diyan ha. CONGRATS ULIT TE! Miss na miss ka na namin.


7. Dear anak,
Ipapadala ko ngayon mga litrato ng anak mo. Mabilis ang kanyang paglaki. Parang kailan lang nung sanggol pa siya ng iwan mo siya sa akin. Ngayon ang laki na niya at napakagandang bata. Marami akong ipinadalang picture ng anak mo. Kasama na rin diyan yung mga pictures niya nung 1st nag-birthday siya. Andaming pumuntang bata at tuwang tuwa ang anak mo. Sana matuwa ka. Alam namin ng anak mo na miss na miss mo na kami.

Nga pala, isinabay ko na rin sa padala yung paborito mong balot at adobong baboy. Alam ko walang ganito diyan sa Saudi. Kung meron man, mahal naman. Meron din akong ipinadalang kornik tska mani. Buti na lang mabait tong katrabaho mo na pabalik diyan sa Saudi. Magpapadala din sana ako ng bagoong kaso nakakahiya na sa katrabaho mo. Masyado ng maraming ipinadala. Itext mo ako pag nakarating sa iyo ang mga padala ha?

Ingat ka lagi dyan anak. Huwag mo kaming alalahanin ng anak mo, ok lang kami dito. Huwag mo pababayaan sarili mo. Bigyan mo din mga kababayan natin diyan nung balot. Medyo marami yan. Ingat anak.


8. Mga minamahal kong kababayang OFW,
Sana nasa maayos kayong kalagayan habang binabasa ninyo ang personal na liham na ito mula sa tanggapan ng inyong Pangulo.

Bilang inyong pangulo dito sa Pilipinas, nais kong ipabatid sa inyo na nakatatag na sa buong mundo sa bawat bansa ang embahada ng Pilipinas. Ito ay upang pangalagaan ang ating mga manggagawang kababayang naghahanapbuhay sa ibang bansa. Itinatag ang mga ito upang mayroon kayong malalapitan kung nangangailangan kayo ng anumang uri ng tulong.

Gusto namin ipabatid sa inyo na ang bawat embahada ay mayroong programang libreng tulong pinansyal sa bawat manggagawang Pilipino sa buong mundo. Ito ay upang tulungan ang mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong pinansyal sa panahon ng kagipitan.

Meron din libreng mga gamot at tulong medikal sa bawat tanggapan upang tulungan ang mga kababayan nating walang pambili ng gamot sa panahon ng pagkakasakit. Kung nangangailangan kayo ng tulong, tumawag lamang kayo sa ating embahada upang kayo ay mapuntahan ng ating mga doktor sa inyong mga tahanan o kompanyang pinapasukan. Ito po ay libre.

Nais ng tanggapan ng inyong Pangulo na ang bawat manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay naaalagaan ang karapatan at kaligtasan sapagkat itinuturing kayo ng buong Pilipinas na mga BAYANI NG BAGONG HENERASYON. Sapagkat kung wala kayo, hindi magiging maunlad ang Pilipinas sa pandaigdigang usapang pampinansyal.

Mabuhay kayong lahat. Mabuhay ang sambayanang Pilipino.


9. Dear mga anak,
Narito kami ngayon sa Disney Land ng mga apo ko. Salamat sa libreng vacation package na iniregalo niyo sa aking birthday. Tuwang tuwa mga apo ko ngayon. Sayang lang at hindi namin kayo kasama ng mga anak niyo sapagkat alam naman namin kung gaano kayo ka-busy sa inyong mga trabaho diyan sa ibang bansa. Pero masaya na rin kami sapagkat alam namin masaya kayo sa pagbibigay niyo sa amin ng mga ganito.

Dadaan kami diyan sa Amerika pagkatapos naming mamasyal dito. Ayaw pa bumiyahe ng mga bata. Gusto pa raw nila mag-enjoy dito sa Disney Land. See you there! Salamat ulit mga anak. Mahal na mahal ko kayo.


10. Mahal kong asawa,
Kamusta ka na diyan? Ok naman kami ni baby junior dito. Ito malusog ang baby natin. Ang guwapo-guwapo. Kamukhang-kamukha ng papa niya. Napakatakaw sa gatas! Mayat-maya humihingi at dumedede. Nakakatuwa kasi malakas siyang bata. Bumili na ako kanina ng mga vitamins, gatas at iba pang gamit niya mula dun sa ipinadala mo sa aming mag-ina. Di magtatagal pa, uuwi ka na at magkikita na rin kayo ng baby natin.

Sasabihin ko sa anak natin araw-araw na napakasipag na ama niya at sobrang bait. Sasabihin ko sa kanya na isa kang ulirang ama at ikaw ang inspirasyon namin dito sa Pinas. Huwag kang mag-alala pa, hindi ko pababayaan itong baby natin. Palalakihin ko siya na mabait, masunurin at matalinong bata kagaya mo noon. Para pag-uwi mo, masasabi mo na hindi nasayang ang lahat ng pinaghirapan mo para sa amin ng anak mo. Lalaki ang baby natin na maipagmamalaki mo.

Mag-iingat ka lagi diyan ha? Mahal na mahal ka namin ni baby.

0 comments

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit