Ngayon desidido na ako...sasabihin ko na ang mga ito. 1. Napansin ko lang mas masigasig pa ang mga pribadong sektor tulad ng ABS-CBN, GMA, mga CHARITY FOUNDATIONS, at mga kababayan nating pilantropo, kaysa sa ating gobyerno sa pagpapaabot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad. Kung papansinin mo rin masmaayos at organisado ang pamimigay nila ng relief goods kaysa sa ating gobyerno na bara-bara sa pagpapaabot ng mga tulong-donasyon. 2. Napansin ko lang, walang tiwala ang International Community (Foreign Countries) sa ating gobyernosa kanilang mga gustong ipaabot na donasyon o tulong sa ating mga kababayan na apektado ng nagdaang kalamidad dito sa ating bansa. Ang katunayan nito, may mga bansang sa ABS-CBN na ipinadaan ang kanilang mga tulong-donasyon. At ang totoo, gustong matiyak ng United Nation na magagamit ng wasto ang ipapadala nilang tulong sa ating bansa. Ang balak pa yata eh, ipapamahala ang naturang donasyon sa mga pribadong sektor sa ating bansa upang makasiguro na mapupunta ito sa ating mga kababayan na nangangailan ng tulong at hindi sa mga opisyales nating kurakot! Gobyerno...HOY GISING! 3. Napansin ko lang, nagiging lantaran ang "campaign in disguise" ng ilan nating mga pulitiko na nangangarap tumakbo sa 2010 May Elections. Aba eh, mantakin mong may mga kasamang advertisement ng kanilang mukha at pangalan ang mga relief goods na ipinamumudmod sa mga kababayan natin. Hindi ba ito vote buying mga kabayan? Kung tutulong e, kailangan bang may ganun? Kung sa bagay eh, wais na ang mga botante ngayon at hindi na sila basta-basta nadadala sa mga ganito. Tsk! Tsk! Tsk! 4. Napansin ko lang, mukha yatang nagiging masipag ang ilan sa ating mga matataas na opisyal kasama na ang ating pangulo na mamalimos sa mga mayayamang bansa upang tulungan ang ating mga kababayang nasalanta ng nagdaang mga bagyo. Kung sa bagay, wala namang masama dito kung malinis naman ang layunin. Kaso ingat lang mga kababayan at maging mapagmatyag, sapagkat malapit na ang eleksyon baka ang perang galing sa ibang bansa na dapat gamitin upang tulungan ang mga nangangailangan, e baka magamit pa ito sa nalalapit na halalan. 5. Napansin ko lang, may mga kababayan pa rin pala tayong hindi maiwasang lamangan ang kapwa nating Pilipino. Yung tipo bang nasa gitna na nga ng matinding pangangailangan ang karamihan eh, yung iba nagagawa pang makipag-agawan ng relief goods sa mga evacuation area kahit hindi naman talaga sila apektado ng kalamidad. Ang Pinoy kung minsan, hindi pa rin maalis ang ugaling talangka ano? Ito ay mga napansin ko lang naman...bato-bato sa langit ang tamaan mabukulan sana.
Meta and Samsung are reportedly working on groundbreaking camera-equipped
earbuds
-
According to a new Bloomberg report, Apple is not the only company looking
into camera-equipped earbuds, with both Meta and Samsung considering such
innova...
1 hour ago
0 comments