Silip sa Isang JAPAYUKI

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Tuesday, October 20, 2009

Silip sa Japayuki
Pokpok... hostes... malalandi... bugaw...
Ilan lamang ang mga ito sa madalas nating maisip na termino kapag naririnig natin ang bansag na JAPAYUKI.
Ngunit tama kaya ang mga ito? Sino nga ba ang isang Japayuki?
Ang bansag na Japayuki ay pinaniniwalaang nagmula sa isang salitang hapon na "Karayuki". Ito ang tawag sa isang dalagang Haponesa na nangibang-bansa noon ngunit naging biktima ng prostitusyon noong 1870 hanggang 1940. Ang turing na Japayuki ay itinulad sa turing na "Karayuki" na nangangahulugang mga Pinay na pumunta sa Japan upang maghanapbuhay kagaya ng isang Karayuki.
Ang terminong Japayuki ay ang tawag sa mga babaeng entertainers sa Japan na madalas ay lahing Pinoy. Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sumikat ang bansag na ito noong 1980s sa mga club sa Japan na isa sa mga bansang mahilig sa clubentertainment. Gustong-gusto ng mga Hapon ang mga Pilipino sapagkat kilala nila tayo na masipag, maaasahan at madalang magreklamo kahit mabigat ang trabaho.
Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagiging entertainer sa Japan ay isang malinis at marangal na trabaho. Ito ay binabayaran ng mga Hapon ng malaking halaga. Ang alam ng marami, kapag isa kang Japayuki ang trabaho mo ay magbenta ng aliw, ligaya at laman o seks. Ngunit ang hindi natin alam, ang trabaho lamang ng Japayuki sa Japan ay kumanta, sumayaw, magpatawa (standup comedy), makipag-usap sa mga panauhin, at magsilbi ng pagkain. Maaari din itong tumukoy sa mga Pinay na naghahanapbuhay bilang mga "hospitality girls" sa mga among Hapon. At maaari ding tumukoy sa mga kababayan nating naghahanapbuhay at naninirahan na sa Japan.
Hindi katulad ng iniisip ng marami dito sa Pinas, ang pagiging Japayuki ay isang maayos hanapbuhay. Ang mga Guest Relations Officers o GRO sa Japan ay iba sa mga GRO dito sa Pilipinas na totoong nagbebenta ng seks o laman. Maliban na lamang kung pumayag ang isang Japayuki na gawin ang ganitong bagay.
Ang isa pang dahilan kung bakit nagkaroon ng ibang turing ang bansag na Japayuki ay ang tinatawag na White Slavery na laganap din sa Japan at sa ibat-ibang panig ng mundo. Gawa ito ng mga illegal recruiters dito sa Pilipinas at sa Japan na nagpapangako ng magandang trabaho ngunit lingid sa kaalaman ng mga biktima ay ibebenta sila sa mga sindikato at gagawing mga alipin sa seks. Ibubugaw sila at gagawing mga tagabenta ng aliw o seks sa mga Hapon. Yakuza ang tawag sa mga grupo o sindikato ng white slavery sa Japan. Dahil dito, nagkaroon ng ibang kahulugan ang pagiging entertainers ng mga Pilipino sa Japan at nagkaroon ng ibang istorya ang salitang Japayuki.
Kung suswertihin ang isang Japayuki ng trabaho sa Japan, mataas na kita o sahod ang kanyang natatanggap. Maliban na lamang kug nakatagpo sila ng mababang pasahod ng mga amo nila, ang isang Japayuki ay kumikita ng humigit kumulang na $3,000 sa isang buwan. Katumbas ito ng P135,000 (P45 = $1) kada buwang sahod at mas malayong mataas kaysa sa sahod ng isang propesyunal dito sa ating bansa. Kaya naman madalas tayong makakita ng mga balikbayan na Japayuki sa Pinas na nakakapagpatayo ng magara at malalaking bahay.
Kaya naman kahit mababa ang tingin sa kanila ng marami nating kababayan dahil sa tipo ng kanilang trabaho, itinuturing sila ng bansang Pilipinas na mga "Bagong Bayani" sapagkat isa sila sa mga pinagkukunan ng bansa at ekonomiya ng mga dolyares sa pamamagitan ng kanilang mga ipinapada sa kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas.
Kung susuriin sa isang positibong pananaw ang pagiging Japayuki ito ay isang turing na dapat bigyan din natin ng respeto. Maalis na sana ang maling pag-aakala ng lahat na ang pagiging Japayuki ay pagiging maruming GRO sa Japan.
Lingid sa kaalaman ng lahat, marami na sa ating mga kababayan ang naghahanapbuhay sa Japan dahil sa kanilang taglay na talento, kakayahan, talino, at taglay na pagka-eksperto sa ibat-ibang propesyon sa isang legal na paraan. Kasama din dito ang katotohanang marami tayong Filipino Scholars ang ipinapadala sa Japan taon-taon upang mag-aral ng Education, Law, Destistry, Engineering, Agriculture at iba pang kurso. Ang mga "Mombusho" (Japanese Government) scholars ay pinapag-aral ng Japan ng libre sa matataas at tanyag na universidad.
Maliban sa mga estudyanteng ito na tinatawag pa ring Japayuki, ang ibang mga Japayuki sa Japan ay nagtatrabaho bilang mga religious workers, software engineers, hotel staff, restaurant operators at mga nurses. Ibig lamang sabihin nito na ang trabaho sa Japan ay hindi lamang pagiging "Japayuki" na sa marami ay isang maruming trabaho.
Dahil sa kaalamang ito, nawa ay magkaroon na tayo ng bagong pagtingin sa mga kababayan nating naghahanapbuhay sa Japan. Maging ang mga biktima ng illegal recruitment at White Slavery ay huwag din sana natin bigyan ng mababang turing sapagkat sila ay mga biktima lamang. Kung gayon, hindi marapat na isipin ng sinuman na ang pagiging Japayuki ay marumi at walang dangal. Sapagkat, ang mga Japayuki ay marangal, malinis, at mga BAGONG BAYANI din ng ating bansa.

geishaPokpok... hostes... malalandi... bugaw...


Ilan lamang ang mga ito sa madalas nating maisip na termino kapag naririnig natin ang bansag naJAPAYUKI.


Ngunit tama kaya ang mga ito? Sino nga ba ang isang Japayuki?


Ang bansag na Japayuki ay pinaniniwalaang nagmula sa isang salitang hapon na"Karayuki". Ito ang tawag sa isang dalagang Haponesa na nangibang-bansa noon ngunit naging biktima ng prostitusyon noong 1870 hanggang 1940. Ang turing na Japayuki ay itinulad sa turing na "Karayuki" na nangangahulugang mga Pinay na pumunta sa Japan upang maghanapbuhay kagaya ng isang Karayuki.


Ang terminong Japayuki ay ang tawag sa mga babaeng entertainers sa Japan na madalas ay lahing Pinoy. Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sa kalaunan naging pangkalahatan ang tawag na Japayuki sa sinumang Pililipino na naghahanapbuhay sa Japan. Sumikat ang bansag na ito noong 1980s sa mga club sa Japan na isa sa mga bansang mahilig sa club-entertainment. Gustong-gusto ng mga Hapon ang mga Pilipino sapagkat kilala nila tayo na masipag, maaasahan at madalang magreklamo kahit mabigat ang trabaho.


Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagiging entertainer sa Japan ayisang malinis at marangal na trabaho. Ito ay binabayaran ng mga Hapon ng malaking halaga. Ang alam ng marami, kapag isa kang Japayuki ang trabaho mo ay magbenta ng aliw, ligaya at laman o seks. Ngunit ang hindi natin alam, ang trabaho lamang ng Japayuki sa Japan ay kumanta, sumayaw, magpatawa (standup comedy), makipag-usap sa mga panauhin, at magsilbi ng pagkain. Maaari din itong tumukoy sa mga Pinay na naghahanapbuhay bilang mga "hospitality girls" sa mga among Hapon. At maaari ding tumukoy sa mga kababayan nating naghahanapbuhay at naninirahan na sa Japan.


Hindi katulad ng iniisip ng marami dito sa Pinas, ang pagiging Japayuki ay isang maayos na hanapbuhay. Ang mga Guest Relations Officers o GRO sa Japan ay iba sa mga GRO dito sa Pilipinas na totoong nagbebenta ng seks o laman. Maliban na lamang kung pumayag ang isang Japayuki na gawin ang ganitong bagay.


Ang isa pang dahilan kung bakit nagkaroon ng ibang turing ang bansag na Japayuki ay ang tinatawag na White Slavery na laganap din sa Japan at sa ibat-ibang panig ng mundo. Gawa ito ng mga illegal recruiters dito sa Pilipinas at sa Japan na nagpapangako ng magandang trabaho ngunit lingid sa kaalaman ng mga biktima ay ibebenta sila sa mga sindikato at gagawing mga alipin sa seks. Ibubugaw sila at gagawing mga tagabenta ng aliw o seks sa mga Hapon. Yakuza ang tawag sa mga grupo na pangunahing dahilan ng karahasan at sindikato ng white slavery sa Japan. Dahil dito, nagkaroon ng ibang kahulugan ang pagiging entertainers ng mga Pilipino sa Japan at nagkaroon ng ibang istorya ang salitang Japayuki.


Kung suswertihin ang isang Japayuki ng trabaho sa Japan, mataas na kita o sahod ang kanyang natatanggap. Maliban na lamang kug nakatagpo sila ng mababang pasahod ng mga amo nila, ang isang Japayuki ay kumikita ng humigit kumulang na $3,000 sa isang buwan. Katumbas ito ng P135,000 (P45 = $1) kada buwang sahod at mas malayong mataas kaysa sa sahod ng isang propesyunal dito sa ating bansa. Kaya naman madalas tayong makakita ng mga balikbayan na Japayuki sa Pinas na nakakapagpatayo ng magara at malalaking bahay.


Kaya naman kahit mababa ang tingin sa kanila ng marami nating kababayan dahil sa tipo ng kanilang trabaho, itinuturing sila ng bansang Pilipinas na mga "Bagong Bayani" sapagkat isa sila sa mga pinagkukunan ng bansa at ng ating ekonomiya ng mga dolyares sa pamamagitan ng kanilang mga ipinapadala sa kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas.


Kung susuriin sa isang positibong pananaw ang pagiging Japayuki ay isang turing na dapat bigyan din natin ng respeto. Maalis na sana ang maling pag-aakala ng lahat na ang pagiging Japayuki ay pagiging maruming GRO sa Japan.


Lingid sa kaalaman ng lahat, marami na sa ating mga kababayan ang naghahanapbuhay sa Japan dahil sa kanilang taglay na talento, kakayahan, talino, at taglay na pagka-eksperto sa ibat-ibang propesyon sa isang legal na paraan. Kasama din dito ang katotohanang marami tayongFilipino Scholars ang ipinapadala sa Japan taon-taon upang mag-aral ngEducation, Law, Destistry, Engineering, Agriculture at iba pang kurso. Ang mga "Mombusho" (Japanese Government) scholars ay pinapag-aral ng Japan ng libre sa matataas at tanyag na universidad.


Maliban sa mga estudyanteng ito na tinatawag pa ring Japayuki, ang ibang mga Japayuki sa Japan ay nagtatrabaho bilang mga religious workers, software engineers, hotel staff, restaurant operators at mga nurses. Ibig lamang sabihin nito na ang trabaho sa Japan ay hindi lamang pagiging "Japayuki" na sa marami ay isang maruming trabaho.


Dahil sa kaalamang ito, nawa ay magkaroon na tayo ng bagong pagtingin sa mga kababayan nating naghahanapbuhay sa Japan. Ispesipiko man o naging pangkalahatan ang turing na Japayuki, nararapat lamang na bigyan natin sila ng marapat na pagrespeto sa kanilang hanapbuhay at pagkatao. Maging ang mga biktima ng illegal recruitment at White Slavery ay huwag din sana natin bigyan ng mababang turing sapagkat sila ay mga biktima lamang. Kung gayon, hindi marapat na isipin ng sinuman na ang pagiging Japayuki ay marumi at walang dangal. Sapagkat, ang mga Japayuki ay marangal, malinis, at mga BAGONG BAYANI din ng ating bansa.


0 comments

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit