Yoohooo! Graduate na si Blog Ong!

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Thursday, November 5, 2009


Ika nga eh, pagkahirap-hirap man daw magkamit ng edukasyon, sa graduation din ang tuloy!!!


Oo, tama, pagkatapos ng limang taon ng pagsusunog ng kilay (kaka-blog, este kaka-aral) ni Blog Ong, sa wakas makakamit na niya ang pangarap niyang diploma. Magtatapos siya sa sabado (November 7, 2009) sa pahirap na kursong Accounting sa Saint Louis University (Baguio). Kurso ng mga bored sa numbers!!!


Gusto kong pasalamatan ang aking mga kapatid at ina (patay na ang ama ko) na totoong naghirap dahil sa aking gastusin (kasama na ang mga kupit dun! hahaha). Kung hindi dahil sa kanila hindi ako makakatapos ng pag-aaral. (Yan kasi di niyo ako pinayagang mag-working student! Nanisi pa? hehehe) Malaking utang na loob ko ito sa inyong lahat.


Hindi ko rin syempre makakalimutan ang mga kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi mangopya ng assignments ko, vice versa! Sila ang naging takbuhan ko kapag wala akong.... wala akong sagot sa assignments ko! Sila yung pwede mong takbuhan kapag...kapag andyan na sila mangungutang sa iyo! Sila yung pwede mong mapagsabihan ng sama ng loob mo sa instructor mong nambagsak sa iyo! At higit sa lahat maaasahan sila sa lahat ng oras lalo na pagdating sa kainan! Walang urungan, walang iwanan, kapag pagkain ang pinag-uusapan!


Sasamantalahin ko na rin pasalamatan (plastik! hehe) ang mga instructor kong sobrang babait! Ang kabaitan ay iba ang level. Yung tipong tinoturture ka para matuto. Yung tipong hindi ka na makatulog sa gabi dahil sa nerbiyos baka bumagsak ka sa subject nila. Ganun sila kabait! Ganun nila kami minamahal na mga estudyante nila. They care so much about our future kasi! Kung hindi nila gagawin yun, sigurado lagapak kami sa CPA Board Exam pagdating ng araw! Kaya sa inyong lahat, MARAMING SALAMAT!


Higit sa lahat, hinding hindi ko makakalimutan na pasalamatan ang Diyos na aking naging takbuhan sa lahat ng oras. Kung ano man ang naabot ko ngayon, wala akong aariing akin sapagkat ang lahat ay galing sa Kanya, kinasangkapan lamang ako upang ipakita na totoo Siya at minamahal niya ang kanyang mga nilalang. Ang tagumpay na ito ay aking nakamit hindi dahil sa ito'y hiniling ko sa Kanya kundi ito'y binigay Niya dulot ng Kanyang wagas na pag-ibig. Totoo, ang bawat panalangin ay sinasagot ng Diyos, kung hindi man ngayon, pagdating ng araw, magtiwala lang tayo sa Kanya.


Sa inyong lahat na naging bahagi ng tagumpay ni Blog Ong sa pag-aaral, MARAMING MARAMING SALAMAT!!!


3 comments

  1. Anonymous Says,

    wow... congratumalations... naku... buti naman... di ka nabaliw sa mga sandamakmak na numbers.... at sa walang katapusan na pagsolve ng problems... dahil dyan ito ang iskor mo... 10.. hehehhee.. congrats..

     
  2. Congrats!

    By the way, pwede po ba makipag link exchange? Ang website ko po ay ito:
    URL: http://www.walakasaloloko.info
    Title: Sikat ang Pinoy - Wala ka sa LOLO ko

    Mangyaring paki-email po ako sa walakasaloloko@gmail.com para mabigyang pansin agad namin ang iyong mabilis na pag aksyon. Maraming Salamat!

    www.walakasaloloko.info

     
  3. Anonymous Says,

    Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

     

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit