Paano Kung Ganito ang Iyong Ama at Ina?

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Saturday, September 19, 2009









Awa! Galit! At lihim na pagkapuot ang aking naramdaman....


Marami ng kuwento ang pumukaw at humaplos sa ating puso. At meron ding nanatili magpakailanman.


Eto ang kuwento ni Brianna Lopez.



Isang anghel na kailanman hindi nakaranas ng pagmamahal...


Si Baby Brianna ay isang PREMATURE na sanggol. Siya ay ipinanganak noong February 14, 2002 ng kanyang ina na si Stephanie Lopez at ama na si Steven Lopez sa Mexico. Isang araw na itinuturing natin na panahon ng pagmamahalan at pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga minamahal natin sa buhay. Ngunit sa kasamaang palad, hindi naging ganito ang kapalaran ni Baby Brianna. Ito ay sapagkat siya ay nabuhay lamang sa kakaramput na bahagi ng isang taon....LIMANG BUWAN!


Sa loob ng isang masalimuot, mapagmaltrato, masakit, at kalagim-lagim na buhay bilang isang sanggol. Isang kapalarang hindi dapat sapitin kailanman ng isang batang walang kamalay-malay.


Siya ay pinagkaitan ng buhay noong July 19, 2002....limang buwan pagkatapos siyang isilang.


Ganito kung paano siya pinatay...


July 18, 2002 Huwebes ng Gabi, si Andy Walters, tiyuhin ng bata, ay bumili ng isang case ng beer bago umuwi ng bahay. Si Steven at Stephanie W. Lopez (ina ni Brianna) at ang kanyang kakambal na lalaki na si Andy Walters (uncle ni Brianna) ay nag-inuman ng gabing iyon.


Si Stephanie ay nakatatlong bote ng beer at ito'y natulog na. Habang siya ay tulog, pinaglaruan ni Andy Walters at Steven Lopez ang walang kamuwang-muwang na sanggol. Ginawa nilang parang bola ang bata, hinagis at pinagpasa-pasahan! Ito ang naging dahilan upang tatlong beses na mabagok ang ulo ng sanggol sa kisame at bumagsak sa sahig ng dalawang beses sapagkat hindi nila ito nasalo.


July 19, 2002, ika-12:30 ng madaling araw, nakatulog na si Steven Lopez na hindi alam kung nasaan na ang kanyang anak ng oras na iyon. Alas-tres, nagising si Steven at nakita ang sanggol sa tabi ng kanyang higaan. Kumuha ito ng kumot at ipinulupot kay Baby Brianna. Pagkatapos nilagay niya ito sa isang bouncer.


July 19, alas-siyete ng umaga (7:00 am), nagising si Stephanie at pinalitan ang diaper ng sanggol. Nakita niya ang mga pasa at sugat sa katawan ng bata at tinanong ang kanyang asawa. Umamin si Steven na marahas nilang pinaglaruan ni Andy si Baby Brianna. Itinuloy ni Steven ang pagpapalit ng diaper at kumuha ng wet wipes at ipinulupot ito sa kanyang daliri at ipinasok sa puwet ng bata.


July 19, alas-diyes ng umaga (10:00 am), pinuntahan ni Stephanie Lopez ang kanyang anak at napansing hindi na ito humihinga. Tumawag siya ng 911.


July 19, alas-onse diyes ng umaga (11:10 am), binawian ng buhay si Baby Brianna sa Memorial Medical Center sa Las Cruces. Siya ay limang buwang taong gulang.


Hinuli at kinasuhan ng hukuman ang mga magulang ng bata.


Umamin si Steven Lopez (ama ng bata) na hindi lang isang beses niya kinagat ang sanggol. At ibinunyag niya na hindi lang siya ang gumagawa nito kundi pati na rin ang ibang miyembro ng kanilang pamilya. Umamin din siya na marahas niyang inihahagis ang bata sa tuwing hindi niya ito mapatigil sa pag-iyak.


Ganito rin ang inamin ni Andy Walters (kapatid ng ina ng bata) at sinabing ilang beses din niyang itinapon sa hangin ang bata at sinadyang hindi saluhin.


At umamin rin si Stephanie Lopez (ina ng bata) na maraming beses niyang kinurot, kinagat, at pinalo ang bata. Dahilan upang mapuno ng napakaraming pasa at sugat ang katawan ni Baby Brianna.


Hindi lang ito ang sinapit ng kaawa-awang sanggol. Siya ay pinagsamantalahan ng kanyang marahas na tiyuhin, si Andy Walters. Natagpuan naman ng mga awtoridad ang brief ni Steven Lopez na may dugong katulad ng dugo ni Baby Brianna. Umamin ang ama na pinagsamantalahan din niya ang bata sa maraming pagkakataon.


Si Baby Brianna ay nagtamo ng labing-isang (11) kagat mula sa ibat-ibang tao. Ang iba ay sariwa pa at ang iba ay malapit ng maghilom. Nagtamo rin siya ng napakaraming sugat at kalmot, at nagkaruon siya ng pilay at nabali ang kanyang dalawang tadyang (ribs).


Hindi lamang ito ang karumal-dumal na sinapit ng bata. Siya ay mayroong tatlong basag sa bungo, pamamaga sa kanyang utak at tanda ng Shaken Baby Syndrome. Nakakita rin sila ng bali at pilay sa magkabilang paa ng sanggol. Gawa ito ng marahas na pagbuhat sa bata at walang ingat na paghugot sa kanyang paa.


Ngunit sapat ba ang hustisya na ibinigay sa kanya?

Si Steven Lopez, ang ama, ay hinuli ng awtoridad, kinasuhan at pinatawan lamang ng 57 taong pagkakabilanggo at si Andy Walters, ang uncle, ay pinatawan lamang ng 51 years dahil sa ginawang pang-aabusong sekswal sa sanggol na naging dahilan ng pagkamatay ng bata gawa ng pang-aabuso at kawalang pagmamahal.


Si Stephanie Lopez, ang ina, ay pinarusahan ng napaka-igsing 27 taong pagkakabilanggo. 27 years lamang? Sa pagpatay at pag-abuso sa isang walang kamalay-malay na bata?


Ang Hukuman ng Mexico ay nagdesisyong patawan si Stephanie ng "NOT GUILTY OF INTENTIONAL ABUSE" sapagkat sabi nila, hindi nito sinadya ang pang-aabuso ngunit pinayagan lamang niya na mangyari ang pang-aabuso.


"Until the day I die, I will feel guilty for the way my daughter left this world in such a horrible way." Ito ang sabi ni Stephanie Lopez bilang pagsisisi sa kanyang kakulangan sa kanyang yumaong anak.


Samantala, ang lola ni Brianna na si Patricia Walters at ang uncle ng bata, si Robert Walters Jr. ay parehas pinarusahan ng hukuman ng animnapung araw (60 days) na pagkakabilanggo sa pagwawalang-bahala na isuplong ang mga pangyayari sa awtoridad na sana buhay pa ang bata ngayon at naagapan ang mga malagim na pangyayari.


Ngunit kahit sa huling hantungan ng sanggol, hindi pa rin ito nakaranas ng kahit katiting na pagpapahalaga at pagmamahal mula sa kanyang mga magulang at kamag-anak. Siya ay inilibing na para bang hayop at hindi na nakita ng ibang kamag-anak ang kanyang labi.


Bagamat nakakalap ng malaking pundo ang komunidad na nakikisimpatya sa pagkamatay ng bata, upang ito sana ay mabigyan man lamang ng magandang libing at pag-asikaso kahit man lang sa kanyang huling hantungan nawalang kabuluhan din ang lahat. Sapagkat, ipinagkait din ito ng kanyang pamilya.


Kung titignan ngayon ang kanyang libingan, ito ay pinuno na ng dumi at alikabok. Tinanggal na rin ng kanyang pamilya ang tanda na siya ay inilibing sa dakong iyon. Tanging ang isang kerubin na lamang ang nasa ibabaw ng kanyang maruming libingan. Isang tanda na duon inilibing si Baby Brianna. Isang kerubin na nakalagay ang isang daliri sa bibig na wari baga ay nagsasabing "HUWAG KAYONG MAINGAY."


Isang mensahe na maaaring nagsasabi na "Huwag maingay sapagkat ito ay libingan ng isang malagim na sikreto" o isang mensahe na "Huwag maingay sapagkat nanduon si Baby Brianna at humihingi siya ng kunting kapayapaan kahit man lamang duon sa kanyang libingan." Isang mensahe ng kasabikan sa isang tahimik na lugar at malayo sa masakit at marahas na kamay ng kanyang mga magulang.


Pero dahil sa marami ang naawa at nagmamahal kay Baby Brianna pagkatapos nilang malaman ang kanyang nakakaawang kuwento, ang tanda ng kanyang pagkamatay ay ibinalik sa kanyang puntod. Dinumog ng napakaraming tao at mga bisita ang kanyang libingan at nag-alay sila ng bulaklak bilang pagaalay ng kanilang pagmamahal sa isang sanggol na pinagkaitan ng karapatang mabuhay dito sa mundo.


Ngunit sadyang hindi makakitaan ng kahit kaunting pagpapahalaga ang pamilya ng yumaong sanggol. Ipiniit at nilagyan ng bakal na harang ang libingan ni Baby Brianna.


Ang tanging ala-alang iniwan ni Baby Brianna ay isang larawan na kuha ng isang coroner noong ito ay ino-autopsy. Alam niya na balang araw, maraming tao ang maghahangad na magkaroon ng alaala mula sa yumaong sanggol. Tinakpan niya ng make-up ang mga galos sa mukha ng bata at ito'y kinuhanan ng larawan.


Kailanman, hindi na maibabalik pa ang buhay ng isang sanggol na katulad ni Baby Brianna. Ngunit may magagawa pa tayo upang maiwasan na madagdagan ang biktimang tulad niya. Mayroon tayong tungkulin na alagaan ang karapatan at buhay ng bawat bata na ipinagkatiwala ng Diyos sa ating pangangalaga. Kung nakakaranas kayo ng ganito sa inyong pamilya, gumawa ng paraan upang ito ay itigil, kung hindi man ay ipagbigay-alam kaagad ito sa mga kinauukulan upang ito ay mapatawan ng kaukulang hustisya.


Bagamat ang mga pangyayaring ito ay naganap pitong taon ng nakakalipas, ang ala-alang ito ni Baby Brianna ay kailanman hindi mawawala sa puso ng mga taong nakaalam sa kanyang malungkot na kuwento. Ikaw na aking kapwa na nagbabasa nito ngayon ay alam kong naantig din ang iyong damdamin. Naiintindihan ko na magkahalo ang nararamdaman mo ngayon ngunit isa lang ang sigurado....IKAW AY NAAAWA.


Sama-sama nating ibaling ang AWA na ito sa mas konkretong pagkilos. Sa ating simpleng paraan, mula ngayon mangako tayo na mas higit nating pakamamahalin ang mga taong nasa paligid natin, bata man o matanda. At maging mapagmatyag at sensitibo tayo sa ating paligid sa ganitong mga pangyayari upang ito ay maiwasan, malunasan, at mabigyang katarungan.


Ginagawa ko na ang aking bahagi, ikaw na aking kapwa ano ang gagawin mo?

0 comments

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit