Bob Ong....Pahiram!

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Thursday, October 22, 2009


Hindi ko mapigilang ilagay ito sa aking blog sapagkat gusto ko rin ibahagi ito sa inyo. Sobrang humanga ako sa mga QUOTABLE QUOTES na ito ni Bob Ong...


Bob...papost! (Wala akong aangkinin saganang aking sarili. Sayo ang clap clap ng lahat!)


"Kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam Niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."


"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."


"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"


"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba... Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang... at huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na."


"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."


"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka...Kaya quits lang."


"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."


"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."


"Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya."


"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mo libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalukuran mo."


"Ang pag-ibig parang imburnal... nakakatakot mahulog, at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."


"Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman, dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit."


"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyun-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."


"Hindi porke't madalas mong kachat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa e may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga tao na sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."


"Pakawalan mo ang mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mo hintayin yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."


"Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo... Dapat lumandi ka din!"


-BOB ONG


Ang mga ito ay hango sa ibat-ibang libro ni Bob Ong; ABNKKBSANPLA ko?, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Judas, Alamat ng Gubat, Stainless Longganisa, at MacArthur.

0 comments

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit