Ipagkakait mo ba ang iyong Isang Minuto para dito?

Posted by NEIL LORD V. GUITANG Thursday, November 5, 2009


Ama namin, purihin ang dakila mong Pangalan,
Sapagkat nananatili sa aming puso ang kabutihan ng Iyong pag-ibig,
Sa kabila ng aming karumihan at mga kasalanan,
Nananatili Kang mapagpahinuhod sa Amin,
Nagawa naming lumayo sa Iyo, ngunit Kami'y lagi Mong hinihintay,
Nagawa naming magkasala, ngunit lagi Kang nagpapatawad,
Nagawa naming magtaksil, ngunit tapat ang Iyong pangunawa.


Nahihiya kaming lumapit sa Iyo, sapagkat kami ay marumi,
Ngunit niyayakap mo kami ng Iyong wagas na pag-ibig.
Nagbibigay Ka sa amin ng aming mga kailangan sa araw-araw,
Ngunit nagagamit namin ito sa masama.
Nagbibigay Ka sa amin ng buhay at lakas,
Ngunit madalas hindi Ka namin naaalalang pasalamatan.
Sa kabila ng mga ito, hindi Ka nagalit sa amin.
Hindi Ka nanghingi ng anumang kapalit,
Kundi ang pagsisihan lamang namin ang aming mga kasalanan.


Patawarin mo kami dakila naming Ama,
Hindi namin sinasadya ang magkasala sa Iyo,
Pinagsisisihan namin ang aming mga kasalanan,
Linisin mo sanang muli ang marumi naming puso at kaluluwa,
Upang kami ay maging dapat sa Iyo.


Paki-usap namin, iunat Mo ang Iyong Dakilang mga kamay,
Sapagkat nais naming sumandal sa Iyo saglit,
Kailangan namin ngayon ng lakas, Huwag mo sana kaming itatakwil,
Yakapin mo kami ng mahigpit, sapagkat lumalakas kami sa piling Mo,
Pahirin mo ang luha sa aming mga mata, Ibsan mo ang aming mga hirap,
Pakiusap namin, Huwag mo kaming bibitawan.


Gusto naming maglambing sa Iyo Ama, katulad ng isang maliit na bata,
Ipinapakita naming kami'y malalakas, ngunit alam Mong kami'y mahina,
Nasasabik kaming maramdaman ang yakap ng isang nagmamahal sa amin,
At nasasabik kami sa Iyong dakila at wagas na pagmamahal.


Gusto naming ipikit ang aming mga mata sa Iyong pagyakap,
Sapagkat alam namin sa pagbukas ng aming mga mata,
Makikita na naman namin ang kasamaan, kaguluhan at kahirapan ng mundo,
Kahit saglit lang kami sa piling ng Iyong mga kamay,
Sapat na iyon upang kami'y muling lumakas.


Lakip naming ipinapanalangin, ang mga yumao naming mga minamahal,
Ipasumpong mo sa kanila ang kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa,
Gayundin ang kapayapaan ng kanilang mga iniwang pamilya.


Huwag nawa ang kalooban namin ang masunod,
Kundi ang dakila mong pag-ibig,
Maghari nawa ang kalooban Mo dito sa lupa ng para ng sa Langit,
Ipagitna mo sa aming pamilya ang kabutihan ng Iyong puso,
Upang magkaroon kaming lagi na ng lakas upang Ika'y aming paglingkuran.


Salamat muli dakila naming Ama,
Sa kaunting sandali, nadama namin ang kadakilaan ng Iyong pag-ibig,
Muli kaming mangangako na kami'y susunod sa Iyong mga salita,
Sapagkat dito Ka nalulugod.


Sa gitna ng mga pagkakamali, kami'y di matatakot bumangon,
Sapagkat alam namin na nandyan Kayo upang kami'y alalayan,
Kaya naman ipinagkakatiwala namin ang lahat sa Iyo.
Purihin ang Iyong Dakilang Pangalan.


Ang lahat ng ito ay aming hinihiling at inaalay sa pangalan ng aming Panginoong Jesus.


Amen.

0 comments

Latest News on Mobile Phones

Latest Technology News

Latest News in the Philippines

Latest Entertainment News

Blogumulus by Roy Tanck and Amanda FazaniDistributed by CahayaBiru.com

My Featured Blogs

Followers

My Affiliation

Personal - Top Blogs Philippines

Make your own BLOG NOW!

Making your own blog is as EASY as one to three! Just follow three (3) simple steps indicated.

Twit-Twit