Bintana ng katauhan,
Walang bahid na anoman,
Nang.
Liwanag,
... maliwanag, walang maaninag,
... dimensyong walang laman,
Nakakasilaw.
Liwanag... ... mapanuksong pagtawag,
... sa paghihingalo at paglisan,
Ng kamalayan... Ng kabuuan.
Liwanag...
... katahimikang waring umaakay,
... kamay na waring kumakaway,
Ng pagsuko.
Liwanag...
... sa pagitan ng laman at kaluluwa,
... nag-uugnay sa puti, pula at lila,
Sa mundo at pagpapahinga.
Liwanag...
Lila.
-
0 comments