Bughaw.
Larawan ng kapayapaan
Ng kalooban.
Habang pinagmamasdan.
Malinaw, umaalon
Na parang buhay.
Kahalihalina--maamo
Dumuduyan.
Kasama ang mga ibon
Nagliliparan -- ligtas sa kalangitan.
Di maaninag ang dulo.
Di maabot ang kalaliman.
Mayaman -- makulay
Kagandahang nagkukubli
Ng panganib--na di--inaasahan.
Dumuduyan ng kaligayahan,
Tawanan...
Ng mga taong nagtatampisaw
Sa tubig mo...
'Kaw na karagatan...
Ngayon-- marahil bukas
Magpakailanman.
Ngiti niya ay -- lumisan
Mawawala kasama ng hangin
Sa paglubog
Ng araw.
Samsung S27 may end up being a very different beast
-
Samsung's upcoming in-house chip may make the Galaxy S27 much more
interesting.
59 minutes ago
0 comments