Tama, ito ang tanyag na BALIKBAYAN BOX. Naisip ko lang isa-isahin ang sampu (10) sa mga karaniwang nilalaman ng isang Balikbayan Box. Masayang namnamin paminsan-minsan ang mga bagay na kung tawagin natin ay "state-side". Masarap balikan ang mga araw na nakatanggap tayo ng mga pangarap nating pasalubong mula sa ibang bansa. Halika at isa-isahin nating buklatin ang laman ng PINOY BALIKBAYAN BOX. 1. SANDAMAKMAK NA TSOKOLATE. Ito ang unang-una mong makikita sa loob ng isang balikbayan box. Matitikman mo ang ibat-ibang klase ng tsokolate na mula sa ibang bansa. Sino bang hindi nakatikim ng mamaning Sneakers, sobrang tamis na Butterfinger, mamahaling Lindt Chocolates, tanyag na Hersheys, Kisses, Mars, Hudhgens, at maraming marami pang ibang klase ng tsokolate. At sino bang hindi makakalimot bumili ng tanyag na Toblerone? Idagdag mo na rin dito ang ibat-ibang klase ngcookies at tinapay, crackers, waffers, at candies. Ito ang madalas na nasa ibabaw ng balikbayan box sapagkat madali itong matunaw. 2. MGA PLASTIC NA DE-PANGALAN. Oo, tama ang iniisip niyo. Mawawala ba naman ang mga nakaplastic-plastik na pasalubong sa loob ng isang balikbayan box? Malalaman mo kung kanino mapupunta ang naturang plastik na iyon sapagkat meron itong pangalan. Ibig sabihin nito, bago pa man ilipad ng eroplano o dalhin ng barko ang balikbayan box,meron ng nagmamay-ari nito dito sa Pilipinas. At walang pwedeng magbukas nito kundi ang nakapangalan. Maaaring brand new original rubber shoes (Nike, Adidas, Reebok, etc), original na Rado watches o relo (pwede ring Seiko, Casio, o Aquamarine), original na celfon, original na PSP, original na shades, at iba pang mga ipinagpauna ng ipinabibili ng mga kamag-anak sa pinas. Nangyayari ito lalo na kapag may birthday, graduation, debut, binyag o ano pa mang okasyong hindi ka nabigyan noon ng regalo. Kaya bumawi ka at nagrequest ng gusto mong ipadala sa iyo sa balikbayan box. 3. MGA BAGS, DAMIT, SAPATOS AT MGA PANG-GARUTAY. Habang hinahalukay mo ang kaloob-looban ng balikbayan box mo, maaamoy mo na ang ibat-ibang klase ng mababangong amoy. Pero hindi mo agad ito makikita sapagkat sila ay nakasiksik sa mga bulsa ng mga bag na ipinadala sa iyo. Ito yung mga pabango at panggarutay (make-ups and accessories) na "state-side" na binili ng mga kamag-anak mo sa ukay-ukay sa ibang bansa. Yung iba naman inipon ng mga kamag-anak mong OFW mula sa mga eroplanong kanilang nasakyan. Hindi nila ito ginagamit sapagkat gusto nila itong ipadala sa iyo. At mapapansin mo din, ang ibang pabango sa sobrang kabanguhan ayaw mo itong gamitin sapagkat baka magka-sinusitis ka. Ang masaklap kapag nasubrahan mong gumamit nito, mangangamoy bombay ka. Madalas nakadisplay na lang ang mga pabangong ito sa harap ng tokador (mirror) sapagkat magaganda ang mga bote nito. Madalas ka rin makahanap sa loob ng kahon ng mga balat at matitibay na sapatos galing sa ibang bansa. Kasama ng mga ito ang mga bag na may tatak orihinal tulad ngChannel, Dolce and Gabbana, Louis Vitton, at Versace. At madalas hindi nakakalimutang buksan agad ang mga bulsa nito sapagkat maaari itong may lamang alahas, dollar, relo, o pabango. 4. MGA DE LATA, STATE-SIDE COFFEE, GATAS, AT MGA KESO. Ito ang mga dahilan kung bakit mabigat ang isang balikbayan box. Sino bang hindi pa nakakatikim ng tanyag na Spam Corned Beef, Campbells Soup, Imperial Luncheon Meat, Imperial Corned Beef at sausages. Madalas pinag-aagawan din ng mga matatanda ang mga state-side na kapetulad ng Davidoff, Nescafe (na meron din naman dito sa Pinas), Hills Bros. Coffee, at marami pang iba.Madalas may kasama din gatas at creamer. Kung minsan meron din asukal na bloke-bloke ang disenyo. Ang pinakapaborito naman ng mga bata (bukod sa mga tsokolate at candies) ay ang mga keso na may ibat-ibang lasa. Meron itong ibat-ibang disenyo, may bilog, parisukat, parihaba at iba pang hugis. Nakakatuwa din ang mga lalagyan ng mga ito at madalas hindi natin ito itinatapon kapag wala na itong laman. Itinatago natin ang mga ito sa ating mga kabinet. Kung hindi man, madalas ginagamit din natin ang mga ito na lalagyan ng kape, asukal, gatas, suka, asin, at kung ano-anu pa. 5. MGA STATE-SIDE NA SABON, TOILETRIES, AT GAMIT SA KUSINA. Sino ba namang makakalimot magpadala ng mga sabon na galing sa ibang bansa. Ang mga ito kasi ay mura doon. Hindi katulad dito sa Pinas na ang mga ito ay napakamahal. Hindi mawawala ang malalaking bote ng Jonhson and Jonhson soaps and shampoes, Dove Soaps, Nivea Soaps, Jergens Soaps, at ang mabangong sabon na Check. Hindi rin mawawala ang malalaking toothpaste na Closeup, Colgate, Pepsodyne, at Sensodyne na mahahalata mong binili talaga sa ibang bansa. Nandyan din ang malalaking bote ng shampoo and conditioners. 6. MGA PAMPAKINIS AT PAMPAGANDA NI ATE. Pinakaaabangan din ng mga nangangarap pumuti, kuminis, gumanda at gumwapo ang mga state-side na lotion, facial wash, moisturizers, toning creams, hand sanitizers, at beauty vitamins. Sikat na ipinapadala ang Dove lotions, Nivea, Jergens, Victoria's Secret, St. Ives, at Ponds. Kung dito mo bibilhin sa Pilipinas ang mga ito, sa halip na gumanda ka, papangit ka sa stress sa sobrang mahal ang presyo. Madalas ang mga ito ay mga nakasiksik sa gilid-gilid ng balikbayan boxsapagkat hindi pwedeng mapisa ang mga ito. Ito rin ang sanhi ng mabangong halimuyak kapag binuksan ang isang balikbayan box. 7. MGA PANGARAP NA ALAHAS AT ACCESSORIES INAY. Ang mga ito naman ang pinakahihintay na mahalukay ng mga nanay. Hindi mo agad ito makikita sapagkat bukod sa madalas maliit lamang ang sisidlanng mga ito, madalas ito ay isinisiksik kung saan sa loob ng balikbayan box. Maaaring nasa bulsa ng isang bag, nasa bulsa ng isang pantalon o damit, nasa loob ng isang box na malaki na meron pang isang-daang box sa loob, o nakaipit sa isang sobre. Maliliit ang mga ito ngunit ito ang pinaka-aabangan ng mga nanay at tatay...ang pasalubong na alahas para sa kanila. 8. MGA KURTINA AT BEDSHEETS NI INAY. Bukod sa alahas at mga makikinang na bagay, ang mga kurtina at bedsheets naman ang isa sa tunay na nakakapagpasabik sa mga nanay habang hinahalukay ang balikbayan box na ipinadala ng kanilang mga anak na nasa ibang bansa. Mahahalata mo kasi sa isang bahay kung meron silang kasambahay na nasa ibang bansa. Madalas may magaganda, makakapal, makikinang, atmalalapad na kurtina ang mga bintana at pintuan ng mga bahay na ganito. Kung papalarin kang pumasok sa kanilang silid-tulugan,mapapansin mo ang magara at malapad na king-size bedsheets sa kanilang mga higaan. 9. MGA ORIHINAL NA LARUAN NI JUNIOR! Ang remote controlled cars at mga "talking and walking robots" na yata ang pinakasikat na pasalubong sa mga batang lalaki na may mga magulang o kapatid sa ibang bansa. Barbie dolls at Brat dolls naman para sa mga batang babae.Kung hindi man, mga malalaki at supercute stuff toys tulad nila Hello Kitty, Tweety Bird, Garfield, Elmo at Olive. Mawawala ba naman ang mga maliliit na Marvel Heroes at mga tau-tauhang laruan? Sa panahon ngayon, medyo demanding na mga bata. Madalas ayaw na nila ang pangkaraniwang laruan tulad ng maliliit na kotse, manika at mga toys accessories. Ang gusto na ng mga bata ngayon ay ang mgamamahaling laruan tulad ng PSP, Wii, Nintendo, PS5, MP4 with Games at iba pang modernong laruan. Ang mga nagbibinata naman, gusto nila ng bagong cellphone, mp3/mp4, iPod, relo, at laptops. Kaya hindi nakapagtataka kung meron ka ding mahalukay na mga ganito sa loob ng balikbayan box. 10. MGA APPLIANCES NA PINAGKASYA SA KAHON. Kung pwede lang ipadala ng mga OFW ang lahat ng klase ng appliances na meron sila sa ibang bansa, ipapadala nila ito sa Pilipinas. Ang mga madalas na ipadala ay TV, LCD, laptops, Mini-Component, Microwave Oven, Heaters, Grillers at marami pang appliances na pinagkasya sa loob ng balikbayan box. Kung pwede lang maglagay ng ref, washing machine, aircon, at gas and electric range gagawin din nila. Mapapansin mo ang mga appliances na galing sa ibang bansa. Una, sa itsura ng saksakan ng mga ito. Ang mga ito ay madalas may tatlong panusok sa kuryente o saksakan. Pangalawa, sa boltahe ng kuryente. Kapag ang appliances ay galing sa Amerika, ang mga ito ay may 110 na boltahe. Madalas ang mga ito ay pumuputok kapag ginamit na dito sa Pinas na may 220v na saksakan. Pangatlo, sa brand, pangalan, o tatak ng appliances. Kung Made in Kuwait, o USA, o Singapore, o Finland ang mga ito, tiyak orihinal itong binili sa ibang bansa. Pero kung Made in China ito, malamang binili yun sa ukay-ukay o di kaya sa mga tiangge sa ibang bansa . Ang balikbayan box na nga siguro ang simbolo ng isang manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Ito ay naglalarawan ng ibat-ibang pangarap na umunlad at guminhawa ang pamumuhay. Ito rin ay sumasagisag sa ugali ng bawat Pinoy na mahilig pa rin sa state-side na mga kagamitan. Makikita mo rin sa loob ng isang balikbayan box ang bawat pagsasakit at pagsisikap ng bawat manggagawang Pilipino. Ito ang nagkukubli sa kanilang mga kalungkutan at ligaya, sa kanilang hirap at ginhawa, sa kanilang hapis at mga pag-asa. Tunay, ang balikbayan box madalas nagkukubli at nagtatago ng tunay na kalagayan at buhay ng mga kababayan nating OFW sa ibang bansa.Ito ang pinakasikat na kahon sa Pilipinas.
Ito ang pinaka-aasam na kahon ng mga pinoy na may kamag-anak sa ibang bansa.
Ito ang kahon nanaglalaman ng buong mundo pabalik sa ating bansa.
Ito ang kahon nasumisimbolo sa mga OFW.
Sabi ng text, 6 THINGS NA WISH MONG SABIHIN NG NANAY AT TATAY MO SAU: 1. Anak gising na! Kung antok ka pa tulog ka muna. Magpa-late ka na lang sa subject mo. At eto naman, medyo napahanga ako sa galing nung gumawa. Subukan niyong suriin kong ano tinutukoy ko. ANAGRAMS: What happens if we rearrange the letters of the following words? 1. DORMITORY - Dirty Room Amazing di ba? Ito naman mga ibat-ibang definition ng LOVE mula sa ibat-ibang tao. Akalain mong may mga ibat-iba pala itong kahulugan. What is love? Ito ang sabi nila.... 1. MATHEMATICIAN - Love is 1/0 = undefined. FOR ILOCANO USE ONLY. English-Ilocano Dictionary: Yan lang po muna, alam ko hindi ninyo magugustuhan yung iba pang mga jokes sa aking celfon. Yung ibang mga natira mga ALING DIONISIA JOKESna. Gusto niyo masubukan? Ito... "me seeds" - sabi ni aling dionisia ng tumunog ang celfon ni Manny. "manny! may me seeds ka!" O sabi na sa inyo hindi nakakatuwa eh. Hehehe. Hanggang sa muli!Meron akong natanggap na text message mula sa aking kaibigan kanina na talaga namang sinang-ayunan ko.
2. Oh eto allowance mo. May dagdag yan pang gimik mo.
3. Amoy alak ka? Nag-jamming kayo? Di mo ako isinama?
4. Gabi na ah? Tulog ka na bukas samahan mo ako, bili tayo ng cp mo.
5. Andyan jowa mo, papapasukin ko ba sa kuwarto mo?
6. Tumawag dean niyo kanina. Bagsak ka daw! Di bale ok lang yan, mana ka talaga sa akin! Next sem na lang ulit.
2. DESPERATION - A rope ends it
3. THE EYES - They see
4. ASTRONOMER - Moon Starer
5. MOTHER-IN-LAW - Woman Hitler
6. ELEVEN PLUS TWO - Twelve plus one
7. ELECTION RESULTS - Lies, lets recount
2. PHYSICIST - Love is the force of attraction between two hearts.
3. BIOLOGIST - Love is produced by the Hypothalamus.
4. CHEMIST - Love is the saturated solution of feelings.
5. PHILOSOPHER - Love is the concupiscence to rationality.
6. PROGRAMMER - Love is a bug of everything.
7. WRITER - Love is the perfect word for similes and metaphors.
8. EMO- Love is hatred.
9. NOLI DE CASTRO - Pag-ibig ba kabayan? Murang pabahay yan!
Ito naman para sa mga kababayan kong ilokano. Kung hindi po kayo Ilocano, baka hindi niyo po ma-gets ang mga joke na ito.
1. ANTIQUE - Kabsat ni mama.
2. DECIPHER - Saan a dibotones.
3. RAVINE - Limnekken ti init.
4. BEGOTTEN - Panagimukat manen.
5. WHO - Pagpasardeng iti nuang.
6. ABOUT - Nauneg nga banag.
7. STONE - Agsardeng kan.
8. SHOW - Agbugaw ti manok.
9. SHOCK - Saan nga sika.
Ayoko sanang isulat ang mga ito sapagkat ayokong malungkot at masaktan sa anumang paraan ang mga kababayan nating mga OFW sa ibang bansa. Ngunit dahil sa ang mga ito naman ay totoong nangyayari, minarapat kong isulat pa rin sapagkat alam kong makaka-relate ang ating mga kababayan dito kahit ang mga ito ay medyo may kunting kurot sa puso.
Ang mga balitang ito ay maaaring matanggap ng ating mga kababayang OFW mula sa mga kamag-anak nila dito sa Pinas sa ibat-ibang paraan tulad ngsulat, text message, tawag sa celfon, email at iba pang paraang pang-komunikasyon.
1. Dear anak,
Anak, ayoko na sanang sabihin sa iyo to dahil ayokong mag-alala ka. Pero ninenerbyos na rin ako sa kalagayan ng anak mo. Hindi bumababa ang lagnat niya. Kahapon lang, ang sigla-sigla naman nilang naglalaro ng mga kaibigan niyang bata. Pero ngayon ang taas na ng lagnat niya. Gusto ko sana siyang itakbo ngayon sa hospital kaso gabing-gabi na at wala ng mahingan ng tulong. Ang lakas pa ng ulan sa labas. Pero wag kang mag-alala babantayan ko siya buong gabi at pansamantalang lulunasan ang lagnat niya. Bukas na bukas itatakbo ko siya sa doctor. Mag-ingat ka diyan anak ha?
2. Dear ma,
Alam niyo na siguro ang nangyari dito sa Pilipinas nitong mga nakaraang araw. Sa kasamaang palad ma, nadamay ang ating bahay sa baha na dala ni Ondoy. Nagiba ang ating bahay ma. Mabuti na lang at ligtas kami nila papa. Si bunso muntikang malunod sa baha at maanod ng tubig. Buti na lang at nailigtas siya ni papa.
Wala kaming nailigtas sa mga gamit natin ma. Ang mga binili ninyong mga appliances at mga gamit nasira lahat. Pati mga damit namin naanod sa malakas na anod ng tubig. Pasalamat na lamang kami at buhay kaming lahat ng mga kapatid ko pati na si papa. Nandito kami ngayon sa evacuation area ma. Sana makapagpadala kayo agad ng magagamit namin.
3. Dear ma,
Ma, sana nasa maayos kayong kalagayan ngayon diyan. Ma, ayoko sanang sabihin sa inyo ito kasi alam ko masasaktan kayo at sobrang mag-aalala sa amin. Pero hindi ko na kayang itago ang lahat ma. SI PAPA, NAGUUWI PO NG BABAE DITO SA BAHAY. Magkatabi po sila sa pagtulog. Sabi niya sa amin, huwag daw kaming magsusumbong sa inyo kundi sasaktan daw niya kaming lahat na magkakapatid.
Minsan hindi rin po siya umuuwi ng bahay at minsan hindi kami nakakakain kasi hindi siya nag-iiwan ng perang pambili ng pagkain namin. Madalas po namin siya nakikita pumupunta sa beerhouse sa may kanto at doon may mga kasama siyang babae. Doon niya inuubos ang perang pinapadala niyo sa kanya.
Nagsisinungaling siya pag sinasabi niya sa inyo na nakakapasok pa sa school si bunso tsaka si nene. Pinatigil na niya sila kasi wala daw pera. Ako na lang ang pumapasok ma, hindi ko sinasabi sa inyo na nagwoworking student na ako. Ipinangsusugal din ni papa yung mga pinapadala niyo.
Ma, wag niyo sasabihin kay papa na sinabi ko sa inyo ito ha? Papaluin niya kami pag nalaman niya. Ingat kayo lagi diyan ma.
Miss na miss na namin kayo.
4. Dear Pa,
Kamusta ka na diyan? Ok ka lang ba? Kami hindi kami ok dito. Lagi na lang nag-aaway ang mga bata. Hindi ko na alam kong paano siladidisiplinahin. Hindi sila nakikinig sa akin. Yung panganay mo, madalas hindi umuuwi ng bahay. Laging nakikitulog sa mga kabarkada niyang lasenggo. Madalas umuwi na amoy alak. Si Nene naman, lagi din late kung umuwi ng bahay. Puros barkada inaatupag nila. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa mga anak natin. Minsan gusto na kitang pauwiin dito.
5. Dear Ma,
Ma, meron sana akong ipagtatapat sa inyo. Pero ma, huwag sana kayong magagalit ha? Ma, BUNTIS AKO. Dalawang buwan na akong walang dalaw. Ayokong sabihin kay papa kasi baka bugbugin niya ako eh. Ma, anong gagawin ko?
6. Dear ate,
Te, nahihiya ako sa iyo. Alam kong ilang beses na itong nangyari at lagi mo akong binibigyan ng chance. Pero hindi ako nag-iimprove. TE BAGSAK NA NAMAN AKO! Kailangan ko na namang ulitin yung subject. Ang laki na ng gastos mo sa akin. Te, hindi na daw ako pwede sa course ko sabi ng guidance center, hindi na ako pasado sa cut-off, ibig sabihin kailangan ko na daw kumuha ng ibang kurso na kaya ko. Pasensya ka na te! Sorry talaga!
7. Dear ma,
Hindi ko na kaya ang ginagawa sa amin ni papa. Lagi na lang niya kaming binubugbog at sinasaktan! Kunting pagkakamali lang namin suntok at palo na agad ang ibinibigay sa amin. Si bunso halos patayin ni papa sa bugbog dahil babakla-bakla daw.
Ma, ang masakit pa hindi lang bugbog ang inaabot namin kay papa. Ma, ayoko sanang sabihin ito pero hindi ko na talaga kayang pagtakpan si papa. Sinasabi namin sa inyo na maayos kami dito pero ang totoo impiyerno ang nararanasan namin dito araw-araw. Ma, si papa minomolestya niya ako.Halos gabi-gabi niya akong pinagsasamantalahan. Wala akong magawa kasi alam ko bubugbugin niya ako pag di ako pumayag. Ang ikinatatakot ko ma, dalawang buwan na akong hindi nagkakamens. Ma, hindi ko na alam ang gagawin ko.
8. Dear anak,
Ikinalulungkot kong ibalita sa iyo na nitong mga nagdaang buwan, hindi naging maganda ang takbo ng ating negosyo. Naging matumal ang benta natin. Sinasabayan pa ng mataas na bayad sa mga bilihin. Mas mataas ang gastusin ng negosyo kaysa sa kinikita natin. Dala ito marahil ng krisis sa buong bansa. Ano kaya anak kung isara na natin ang negosyo?
Malapit na ring hilain ng bangko ang ating negosyo kasi hindi na tayo nakakabayad ng ating mga utang sa kanila ng ilang buwan. Alam kong sa iyo lang nanggagaling ang puhunan ng ating negosyo kaya sa iyo lang talaga ako umaasa. Kung may magagawa lang ako para tulungan ka, pero wala akong kayang maibigay kasi sayo lang din naman nanggagaling ang mga ginagamit namin dito.
9. Mga kababayang kong OFW,
Alam kong hindi nararapat na humingi sa inyo ng tulong pinansyal sapagkat alam kong mahirap din ang kalagayan ninyo. Ngunit ang ating pamahalaan ay ginagawa lahat ng paraan upang makapagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong ONDOY at PEPENG. Halos ang buong Luzon ay nangangailangan ngayon ng tulong mula sa mga kababayan nating mapalad na hindi nasalanta ng kalamidad.
Kaugnay nito, nais naming lumapit sa inyo upang manawagan ng anumang tulong na pwede ninyong ibigay sa ating mga nagugutom at naghihirapna mga kababayan. Maaaring ang iba sa kanila ay mga kamag-anak din ninyo o maaaring mga pamilya pa ninyo mismo. Ang anumang tulong na pwede ninyong ibigay ay ihatid lamang sa ating mga embahada.
Maraming salamat sa inyong pagtulong.
10. Dear anak,
Hindi pa ba kayo sumasahod? Kailan ka ba magpapadala? Anak, ubos na rin yung huli mong ipinadala. Hindi pa tayo nakakabayad ng kuryente at tubig. Sa lunes, magpuputol na sila kung hindi pa tayo makakabayad sa linggo. Wala na rin kaming makain, nahihiya na akong umutang sa may tindahankasi may utang pa tayo dun na hindi nababayaran. Yung bayad pa pala sa renta ng bahay. Ubos na rin pala gatas ng anak mo. Wala na rin siyangdiaper. May kunting sinat pa siya ngayon. Ano ba yan, patung-patong na ang problema natin. Ang tataas pa ng presyo ng bilihin dito sa Pinas!
Latest News on Mobile Phones
-
Pixel is coming for Samsung's customization crown, as two massive upgrades have surfaced - Pixel phones could soon get more customizable.1 day ago
-
Apple iPhone 3GS (2009) - The Apple iPhone 3GS is possibly the best smartphone ever at the time it was launched. A bold claim perhaps for a product line that had been around for...7 years ago
Latest Technology News
-
Grab the Google Pixelsnap Charger at a Record-Low $35 on Amazon - The Google Pixelsnap is currently discounted by 50% on Amazon, but the deal won’t stick around for long.1 day ago
-
FlexClip’s New AI Tools: A Focus on AI Recreate and Auto Edit - In 2026, *FlexClip* continues to push the boundaries of what’s possible in video editing. With the introduction of two powerful AI-driven features—*AI R...7 months ago
-
Inside the final days of Cambridge Analytica: Failed rebrands, fleeing clients and Nerf basketball - Cambridge Analytica declared bankruptcy on Thursday, but its downfall started months ago with fleeing clients and failed rebrands.8 years ago